PL 7

1 2 0
                                    

---

Oh my gosh!

Palasyo nga siguro ito. Kanina pa ako nagpapasikot-sikot at pumapasok sa mga nakikita kong mga pinto. Puro mga hallway at mga dingding tapos pinto tapos kuwarto tapos magarang mga guest room tapos pinto na naman, hindi ko na alam! Tapos paglabas ko sa isang silid may pinto na naman! Naliligaw na ata ako!

Tulong! Ang daming pinto!

Nayakap ko ang sarili sa lamig ng simoy ng hangin. Naglalakad ako ngayon sa isang hallway na sa tingin ko ay nasa bandang gilid na ito ng palasyo. Ang mga bintana ay bukas at walang kahit ano'ng tabing sa tabi ko kaya malayang pumapasok ang hangin. Nasa magkabilang dulo ang kurtinang dapat siguro ay tatakip sa mga bintanang ito.

(It looks like this)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(It looks like this)

Tumigil ako sa paglalakad at lumapit sa isang bintana. Humawak ako sa barandilya at sumilip sa ilalim. Sa tingin ko'y nasa mataas na palapag pa rin ako pero hindi na ito kasing taas sa kung nasaan ang kuwarto ko. May mga matatapakan ako sa dingding sa labas kung sa ganitong paraan ako bababa.

Bumuga ako ng hangin. "Ang dami ng mga pintong binuksan ko kanina pero ni isa walang naghatid nito sa akin palabas. Hay," huminga ako ng malalim.

Isinampay ko ang isa kong paa sa barandilya at tinapakan ang pinakamalapit na matatapakang kahoy. Tingin ko'y bintana ito. Nang maayos akong nakatapak ay sinunod ko ang isa kong paa. Ngayon, nasa labas na talaga ako ng palasyo.

Nakahawak ang mga kamay sa barandilya ng bintana habang inaabot ng kanan kong paa ang ibabang parte ng maliit na bintana na ito. Hindi naman masyadong maliit. Parang bintana sa normal na bahay lang naman kaliit. Tinapak ko ang dalawa kong paa doon. Kalebel na ng noo ko ngayon ang barandilya at maghigpit ang hawak ko roon.

May isa pang palapag bago ko tuluyang maaabot ang lupa. Tatalon na lang ako. Bahala na si batman.

Huminga ulit ako ng malalim. Pumikit ako ng mariin at nagsimula ng magbilang. "Isa...dalawa...tatlo---"

"Stop!" Isang baritonong boses ang nagpahinto sa akin. Binuksan ko ang mga mata at itinaas ang tingin. Naroon sa kanan na hallway si pogi at naglalakad na ng mabilis patungo sa akin.

Nanlaki ang mata ko. "Wag kang magkakamaling lumapit! Tatalon talaga ako!"

Huminto siya sa harap at pinipilit na tanggalin ang hawak ko sa barandilya. Lalong nanlaki ang mata ko. Walangya! Gusto niya akong ihulog!

"Tumigil ka---aah!" Nabitawan ng kanan kong kamay ang hawak sa barandilya pero dali dali ko namang ipinasok ang mga braso sa loob, niyakap na lang ang malamig na metal para hindi mahulog ng tuluyan.

May nanlilisik na mata kong tinaas ang tingin sa bughaw niyang mga mata. "Let me be! Ayaw mo akong ihatid sa labas at tulungan kaya tutulungan ko ang sarili ko! Okay lang kung ayaw mo, but no need to hurt me!" Salubong ang kilay niya ngayon at galit na rin ang tingin sa akin. Gustong-gusto niya na ata akong ihulog! Mas hinigpitan ko ang yakap sa barandilya at matalim pa rin ang tingin na ipinukol sa kanya.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now