PL 16

6 3 0
                                    

WARNING! This chapter contains physical and verbal abuse. Read at your own risk.

---

"How long have they been like that?"

"Since Lallaine was born."

"Lallaine?"

"The child of your Mother and my Father." Tumango-tango ako. Iyong maliit na cute na bata kanina.

"And you knew?"

"Yeah. That's why I have this everywhere in the house..." hawak niya sa headphones na nasa leeg, "... especially at midnight."

"Bakit?"

Bumuga siya ng hangin at tumingin sa ibaba. "My room is always beside theirs. I here moans. Not from pleasure but from pain. He hits her when we're not looking. He hurts her when no one's around. And you know what? I hate your Mother more than I hate Dad." Hindi ako nakaimik.

"Because after all she's been through with my Dad, she never left. She's always there for us. She's there to protect us from him. I hate how I see cuts in her lips every morning, scratches on her arms down to her thighs. I hate her...so much."

Hindi...hindi niya sila iniwan. Hindi niya sila tinalikuran. Sila na hindi niya totoong mga anak. Pero bakit sa akin...ang dali niya lang talikuran nang mag-isa? Siguro tama ang mga naririnig kong mga chismis na pera ang habol niya. Pera lang.

Namamaga ang eyebags ko nang mag-umaga na. Ang ulo ko ay nagsisimula na namang kumirot. Wala akong ganang bumangon pero ginawa ko pa rin dahil hindi ko naman bahay 'to na gagawin ko ang kahit ano'ng gusto ko.

Nag half bath lang ako. Hindi ko pinakealaman ang buhok ko at baka'y magsilagasan lahat. Lalo na ngayon simula na ng pangatlong buwan ko na may taning pa. Nagsuot ako ng t-shirt at pants. Pupunta ako kay ate Karing ngayon sa bhaus.

Paglabas ko ng kuwarto ay bumukas din ang pintuan ng kuwarto ni Colly. I smiled at him. Tipid siyang ngumiti at naunang bumaba sa hagdan. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto nina Mama, bumukas ito at lumabas mula roon si Tito Connor na nakasuot ng long sleeve, inaayos ang necktie habang nakasunod sa kanya si Mama dala ang isang suitcase.

Nakasuot na naman siya ng long-sleeve na turtle neck at pajamas. Kumuyom ang kamao ko at ngumiti sa kanilang dalawa. "Good morning, Ma, Tito." Bati ko sa kanila.

Pinasadahan ako ng tingin ni Tito. Nagtaas ng kilay. "May problema po ba?" humarap ako sa kaniya nang nakataas ang kilay. Bumalik ang mata niya sa akin. He smirked. "No, not at all. Good morning too."

Humarap siya kay Mama at kinuha ang suitcase na dala niya. He held her jaw and kissed her lips. Nag-iwas ako ng tingin at pinakalma ang sarili. Dumaan sa harap ko si Tito na nakangisi at kumindat pa bago tuluyang bumaba sa hagdan.

Kung hindi lang masakit ang ulo ko ngayon ay kanina ko pa 'to inuntog sa ulo mo.

Hinaklit ni Mama ang braso ko. Salubong ang kilay kong lumingon sa kanya. "What was that, Andi?" mahina ngunit madiin niyang tinanong.

"That what?" walang emosyon kong tanong.

"Huwag kang magmaang-maangan. What's with the tone, huh?" Binawi ko ang braso at tinalikuran siya pero hinila niya ako muli. "Ayus-ayusin mo 'yang pag-uugali mong bata ka. Wala ka sa pamamahay mo." Marahas niyang binitawan ang braso ko at nilagpasan.

Mariin akong pumikit at yumuko. Bwisit.

"Ang aga mo namang pinagalitan, ATE?" binuksan ko ang mga mata at tinaas ang tingin. Ang babaeng anak ni Tito Connor.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now