PL 8

2 2 0
                                    

---

Busangot ang mukha at mahaba ang nguso habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Nakakainis naman! Naiinis ako hindi lang dahil sa katotohanang nakabalik na naman ako sa loob ng palasyong ito, kundi dahil sa katotohanang pinsan ko daw ang mabait na guwapong nag payong sa akin!

Sinipatan ko siya ng tingin habang guwapong tumatawa ngayon sa upuang nasa likod. Kanina niya pa ako tinatawanan. Basang-basa daw kasi ako at mukhang boang kanina tapos ang nakakahiyang pagkislap ng mata ko nang nakita siya. Alam niya daw kung ano ang ibig sabihin ng mga kislap na 'yon. Kainis. Hindi naman ako si Catherine,e! E'di, hindi ko siya pinsan.

Tinignan ko muli ang sarili sa malaking salamin na andito sa pribadong silid ko daw kung saan ako tumutugtog ng violin. Kung totoo ang mga nangyayari simula kaninang umaga na paggising ko, e'di,nasaan si Catherine? Bakit ako ang tinatawag nilang Catherine? Oo, magkamukha nga kami. Pero magkaiba kami ng kaluluwa, ano. Nasaan kaya ang MAHAL NA PRINSESA nila?

Hindi naman siguro nangyayari ang lahat ng ito sa utak ko, diba? May taning ako dahil sa kung anong sakit sa utak ko. Pero, hindi naman siguro aabot sa puntong mag iilusyon na ako, no. Gaga lang ako pero hindi ako baliw.

"Wow," tumabi sa akin iyong guwapo at nakaawang ang labi na nakatingin na rin sa mukha ko sa repleksyon ng salamin.

"Hanggang ngayon hindi pa na poproseso ng utak ko na nagka amnesia ka nga. Ni hindi mo ako nakilala!" Sabay turo niya sa sarili. Nameywang siya at umiling-iling.

"Hindi lang siguro pagkakabagok ang dahilan ng pagkakalimot mo. Mukha kang depressed noong huli kitang makita, e. Naapektuhan nga siguro ng sobra ang utak mo. Kawawa ka naman..." Aniya na umiling-iling pa rin.

Nakabusangot pa rin ang mukha ko nang harapin ko siya. "Ano'ng pangalan mo?"

Natatawa siyang hinarap din ako. "Demver. Demi ang tawag mo sa akin, insan." Kumunot ang noo ko. Demi?

Bumuga siya ng hangin. "Mukhang kasali nga ako sa nakalimutan mo." Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Inilagay niya ang kamay sa ulo ko at malungkot na nakangiti habang ginugulo ang buhok ko.

Tinampal ko ang kamay niyang naroon at inirapan siya. "Huwag nga. Hindi ako aso." Mataray kong sabi. Naiinis pa rin ako dahil mukhang magpinsan nga sila ng Catherine na 'yon...na ako daw! Gosh.

"Ang taray mo pa! Nabagok lang, nagmaldita na." Tumawa na naman siya."May sinabi nga pala si Frederick."

"Frederick? Wala akong kilalang Frederick. Sino 'yan? Ang pangit naman ng pangalan. Amoy luma." Nagulat ako nang tumawa siya ng malakas. Hawak niya na ang tiyan habang tinatampal ng isa niyang kamay ang binti. Parang namimilipit na kakatawa.

"Ano'ng tinatawa mo diyan? Hindi ako nagbibiro."

"Tangina! Hahaha!" Did he just swear? Sa buong araw na ito, ngayon pa lang ako nakarinig ng pagmumura galing sa ibang tao. Uso din pala ang mura dito.

Umayos siya ng tayo at pinapakalma ang sarili. Nira-rub niya ang tiyan niya. "Parang hindi daw ikaw si Catherine, aniya. I think I know what he's talking about." Natatawa na naman siya.

"Sino'ng Frederick ang nagsabi niyan?" Excited kong tanong. Mukhang may maniniwala na sa akin na hindi nga ako ang akala nilang ako.

"Si prinsipe MO, Cath." Napaisip ako. Prinsipe ko?

Ngumiwi ako. "Ang korni." Bulong ko sa sarili.

"Si Frederick, Cath. Ang prinsipeng nasa baba."

Ang prinsipeng nasa baba ngayon ay ang walangyang 'yon. Siya ang nagsabing parang hindi daw ako si Catherine?Psh. Medyo sumaya pa naman ako. Siya pala 'yon. Naaalala ko na. Tinawag nga pala siya ni tanda sa ganoong pangalan.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now