PL 5

2 2 0
                                    

---


"Kailan ba siya magigising?"

"Ang sabi ng manggagamot ay anumang oras ngayon ay maaalimpungatan na raw. Mukhang napalakas ang pagpalo ng doktor sa leeg niya. Hay naku..."

"Hindi pa ho kayo naghahapunan. Ako na lang po muna ang magbabantay."

"Ha? A-ayos lang, hijo."

"Kung nag-aalala po kayo na kaming dalawa lang ang maiiwan dito sa silid, magpabantay po kayo ng katulong sa labas ng pintuan. Wala ho akong gagawing masama sa inyong mahal na prinsesa."

"H-hindi naman sa ganoon, hijo. Pero sige...kung iyan ang iyong nais. Gutom na rin ako. Maaari ba?"

"Opo. Don't worry."

"Siya sige...sabihan mo lang ang katulong kung may kailangan ka. Babalik rin ako kaagad. Aasikasuhin ko pa ang palasyo."

"Opo."

Ang pagtunog ng pagsara ng pinto ay nagpamulat sa akin. Unang dumapo ang tingin ko sa malaking bintana. Madilim na sa labas.

Hindi pala panaginip ang lahat. Totoong nangyari iyong kanina. Bagot akong umupo sa kama. Pagod na tinignan ang taong nakatayo sa dulo ng kama. Parang bigla na lang umaliwalas ang mukha ko nang makakita ng guwapong mukha.

Grabe talaga. Ang guwapo niya lalo na pag gabi. Hehe

"Ano'ng nginingiti ngiti mo diyan?" kunot ang kilay at walang ekspresyon niyang tanong. Psh. Sungit-sungitan.

"Sino bang hindi ngingiti kapag nakakakita ng magandang tanawin sa gabi?" ani ko.

Bumaba ako sa kama at binalingan siya. "Ihatid mo ako sa labas." Utos ko.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Sinilid niya ang mga kamay sa bulsa ng pants niya. Ganda talaga ng tindig niya!

"Kasi inutos ko." Hindi puwedeng siya lang magsusungit dito. Guwapo man siya pero hindi ito ang oras mag pantasya. Kailangan kong malaman kung nasaan ako. Wala ako sa panaginip kaya totoo ang lahat ng ito. Totoong-totoo.

"Kasali ba sa mga nakalimutan mo kung sino ako?" tunog masungit. Masungit talaga siya. Minus pogi points, brad.

Suminghap ako at ngumisi. Pinagkrus ko ang mga braso ko at aroganteng tumayo. Hinarap ko siya. "Inaamin kong may sakit ako sa utak pero hindi ako nakakalimot ng mga mukha. Lalo na 'yong may mukha. Gusto ko mang ideny pero guwapo ka talaga. Why would I forget you if in the first place, I don't know you?"

Siya naman ngayon ang suminghap at ngumisi. Mayabang itong naglakad papalapit sa akin. Tumigil siya sa harapan ko na sobrang lapit na sa akin. Matangkad siya kaya nakadungaw ako sa bughaw niyang mga mata na lalong kumikinang sa gabi. Yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin. Hindi ako umatras kahit nalalanghap ko na ang mabango niyang hininga. Nakakadurog ng panty ang kaguwapuhan niya! Diosmio. Pakiramdam ko'y namamawis na ang kilikili ko.

"Ibang-iba ka sa huli nating pagkikita, ah? Tumapang ka ba dahil sa pikon mo sa akin? O nagtatapang-tapangan ka lang at kunwaring nakalimot para gumanti sa akin? Well, if that's the case...I must say you did great." Nakangisi pa rin siya ngayon. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Naduduling ako sa lapit ng mukha niya. Buset.

"But, it's not enough. You need to try harder, sweetie. Nakagawa ka nga ng eksena or should I say...gulo. Malaking gulo. Pero hindi ito sapat para matupad ang pina plano ng pamilya mo. That was such a dumb act. At heto...amnesia? Haha. What a funny woman."

Kumunot ang noo ko. Ano daw? Wala akong maintindihan! Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. Tumaas ang kilay niya at bumaba ang tingin doon. Ibinalik niya ang tingin sa akin.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now