PL 9

1 3 0
                                    

---

Nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya sa bawat galaw niya. Tanghali na at sa tingin ko'y nanaginip ako. Ang napanaginipan ko'y kausap ko raw dito sa kuwarto si tanda at may sinabi siya tungkol sa katawan ko. Nasa dulo na ng dila ko,e! Hindi ko malaman kung ano 'yon! Buset. Nakatulog ata kasi ako ulit pag-alis niya at ngayon tanghali na nagising. Sobrang gutom tuloy ang nararamdaman ko.

At isa pa, simula kaninang pagpasok niya dito kasama ang limang katulong na babae na sinama niya kahapon, hindi pa nagtatama ang paningin namin. Talagang hindi pa. Kahit isang beses. Lalo tuloy akong nagdududa kung panaginip ba iyon o totoong nangyari.

"May gusto ka bang sabihin, MAHAL NA PRINSESA?" inemphasize niya pa ang huling tatlong salita na sinabi.

Inaayos niya ngayon ang bilog na table sa tabi ng bintana. Dinala nila iyon dito sa loob na hindi ko alam kung saan nanggaling. Syempre, sa laki ba naman ng palasyong ito dapat lang na maraming gamit.

Nilalapag niya ang dalang pagkain na kakabigay lang ng isang tagaluto daw dito. Ang limang katulong na dinala niya ay nakatayo lang sa may pinto. Dalawang tao na bahagyang nakayuko sa kanan at dalawa rin sa kabila. Ang isa ay pinagbantay ni tanda sa labas. Kakatok daw ito kapag may bisita.

"Kanina ka pa nakatitig, hija." Aniya habang normal na inaasikaso pa rin ang lamesa. May iba talaga sa matandang ito,e. Parang ang daming tinatago. Hmm...malalaman ko rin 'yan. Humanda kang gurang ka. Lintik lang ang walang ganti.

Ngumiti ako na kasama ang mata. "Wala naman. Ang ganda lang kasi ng view." Habang nakangiting nakatingin pa rin sa banda niya.

Sandali siyang natigilan at sumulyap sa akin ng isang beses at nahihiyang ngumiti. Inipit niya pa sa likod ng tenga ang iilang hibla ng buhok. Or should I say...nagpapacute.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa matandang ito. Ang daming alam. "Baka naman kasi nasa labas ng bintana ang ibig kong sabihin, ano?"

Tumigil siya at bumaling sa labas ng bintana. "Pfft..." Sabay kaming napalingon sa apat na babaeng humahagikhik. Nang makita nilang nakatingin kaming pareho ni tanda ay umayos sila.

"Ehem..." bumalik ulit ang tingin ko sa matanda. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ko. Iminuwestra ng kamay niya ang lamesa. "Kumain kana. Madami-dami ang niluto para sa'yo kaya magpakabusog ka."

Agad sumilay ang ngiti sa labi ko. Bumaba ako sa kama at iika-ika pa rin na tumayo. "Tulungan na po namin kayo." Alok ng apat na babae. Tinaas ko ang kamay upang pigilan sila habang ang mata ko ay kumikislap na nakatingin pa rin sa lamesa.

Lumapit ako roon at nakita ang limang plato, tatlong mangkok ng sabaw na ngayon ko pa lang nakita.  Mayroong iba't-ibang uri ng putahe ang nakahanda. Wow.

Nakaupo na ako sa harap ng mesa nang may maalala ako. Nawala kaagad ang sigla sa mukha ko at seryosong itinaas ang tingin kay tanda na nakatingin rin pala sa akin. Sandali siyang nagulat at bahagyang yumuko saka lumapit sa tabi ko.

"Bakit? Ano ang problema? Ayaw mo ba sa mga hinandang pagkain?" Pabulong niyang tanong. Umiling ako.

"Tikman mo ang bawat ulam sa harapan ko..." Sinipat niya ako ng tingin at bumuga ng hangin. Wow, ang baho. Chos.

"Ang dami mo namang arte. Walang lason 'yan. Tinikman na 'yan ng mga katulong kanina sa harapan ko."

"Paano kung nagsanib puwersa pala kayo laban sa akin, diba?" Nagsalubong ang kilay niya. "At bakit ba hindi mo ako sinusunod? Akala ko ba prinsesa ako dito?"

Masama na naman ang tingin niya sa akin ngayon. Siguro dahil may lason 'to at mahuhulog siya sa sarili niyang patibong. O kaya dahil may lason 'to at patay siya. Nasa dalawa lang. Hehe

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now