---
Nakaupo ako sa bed, hawak-hawak ang kumikirot na ulo. Ang bigat rin ng talukap ng mata ko. Ang sakit ng mata ko dahil naka-idlip lang ako at hindi nakatulog.
Feeling ko tuloy mukha akong zombie ngayon.
Sumulyap ako sa tukador. "Should I take a look at myself?" Umiling ako. Baka tatakutin ko lang ang sarili ko.
May biglang kumatok kaya nabaling roon ang atensyon ko.
"Who's that?" tanong ko.
"Si Rosette po ito, Kamahalan." Sagot niya.
"Pasok,"
Pumasok ito at kaagad na ni-lock ang pinto. Dali-dali itong lumapit sa akin sa kama at yumuko nang bahagya.
"Alam ko pong wala pa kayo sa maayos na kalagayan ngayon ngunit nais ko pong malaman na ninyo na ang inyong Tiya ay naghahanda na para sa inyong lamay."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Ha?! Lamay?!"
"A-ang ibig ko hong sabihin ay...hindi ko ho ba nabanggit sa inyo kahapon ang tungkol rito?"
Nag-isip ako. Nabanggit niya ba? Siguro? Hindi ko maalala! Ang sakit naman kasi ng ulo ko tapos ang rami pang nangyari.
"Kailangan niyo na hong umaksyon, Kamahalan, bago pa mahuli ang lahat," aniya.
Nagbuntong-hininga ako at sumandal sa headrest. "Huwag kang mag-alala. Buhay naman ako, oh. Hindi nila magagawa iyon. Trust me."
Nakita kong napanatag naman siya. Tipid itong ngumiti at yumuko. "Salamat po at nagising kayo. Salamat rin po dahil hindi niyo kami pinabayaan ni Mang Kanor kahapon. Masayang-masaya po ang puso ko nang mapagtanto kong may pakialam kayo sa amin."
Mahina akong tumawa. "Syempre. Mabubuking naman kasi ako kung hindi dahil sa inyo, ano." Nag-angat siya ng tingin at natawa na rin.
Nagtawanan kaming dalawa nang bigla-bigla na lang bumukas ang pinto. Napatalon pa ako sa gulat. Ang lakas naman kasi ng pagkakabukas nila.
Pumasok ang isang babaeng napakaganda at kumikintab ang suot. Naaalala ko siya. Siya iyong pumasok sa pinto ng palasyo na naabutan ko bago kami umalis ni Manang at pumunta sa bahay niya.
Ngunit halfway lang siyang nakapasok kasama ang isang lalaki dahil naestatwa sila nang makita ako.
"A-anong...b-buhay ka?" Iyon ang unang binanggit ng babae. Nagtaka ako sandali kung bakit ganoon ang sinabi niya. May ibig-sabihin ba iyon? O guni-guni ko lang?
"Catherine..." lumambot bigla ang mukha niya at tumakbo patungo sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit.
Humagulgol siya sa balikat ko. Napatingin ako kay Rosette upang tanungin kung sino ito ngunit nakayuko na siya. Ang lalaking kasama nitong babae ay nakayuko at humihikbi.
Nang lumayo sa yakap ang babae ay nagtanong ako. "Sino....po sila?" I asked.
Natigilan ang babae. "Excuse me?"
"I-I mean---"
"Pagkatapos po sa nangyaring trahedya sa kasal ay wala na hong maalala ang Kamahalan simula sa araw na nagising siya." Singit ni Rosette.
"Wala...kang maalala?" tanong niya na bahagya pang kumislap ang mata. Omg. Is she happy?
"Catherine, answer me. You couldn't remember a thing from that day?" Ulit niya pa.
Ngumiwi ako. Nawe-weirduhan ako sa kaniya.
"I guess so?" Nararamdaman kong hindi ko puwedeng sabihin at ipaalam sa kahit kanino ang napag-usapan namin ni Manang. Na I'm from other world at ang kaluluwa ko ang nasa loob ng katawan ng kanilang Prinsesa.
YOU ARE READING
The Well (Parallel Love)
FantasyDo you believe in love? Do you believe in another universe? A love found in a parallel world. Their parallel love will conquer boundaries and beliefs. Into her new world, will she be able to fulfill her sudden mission to save a legacy? Will there...