"You're going to lose," he said.
"Lose my ass," then I moved the bishop.
"I'm going to win, and if that happens... you'll treat me an ice cream," he said with full of determination. I moved my Queen to check his King.
"Check," he moved his King to another tile and I moved my rook to corner his King.
"Checkmate," I smirked boastfully at him.
"Madaya ka, Andriette!" protesta niya.
"Nasaan ang pandaraya doon? Talo ka lang talaga, Hayden," ani ko.
"Wala, madaya-"
"Yow, everyone! Hi, Andriette! Hi, Hayden!" masiglang bati ni Bailey.
"Natalo ka na naman niya," Sam said without shocked on his face.
"Kailan ka ba nananalo against her, Hayden? Candidate master na ang ranggo niyan dito sa university sa larangan ng chess," Avery said.
"ATTENTION, HOGAR DE GUERREROS, STUDENTS! ATHLETES, PLEASE PROCEED TO THE SOCCER FIELD," anunsyo ng malamang ay Principal.
"Tara na," pag-aya ni Sam habang nakatingin sa akin. Tumayo na ako kasabay ni Hayden. Kaming anim ay players sa iba't ibang sports. Ako, si Sam, Savina, at Hayden ay under ng chess club. Si Bailey ay sa badminton ganoon din si Avery. Savina is not here yet, baka may inaasikaso.
"By sports club ba?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa soccer field.
"Hindi yata," sagot ni Avery sa akin. Kaya naman sabay-sabay kaming lima na nagtungo doon at magkakatabi pa.
"May announcement na naman?" ani Bailey.
"Malamang, kaya nga tayo pinatawag dito. Bobo mo talaga- aray!" malakas na binatukan ni Bailey si Hayden.
"Psst," sita ni Sam sa kanilang dalawa. Naupo kami sa mga upuan na nandoon. Sa pangatlong hilera kami pumwesto para hindi ganoon kalapit at hindi rin ganoon kalayo. Nasa harapan ang head ng sports division, kararating niya lamang. Hinintay munang makaupo lahat ng mga atleta bago inanunsyo ang dapat na sabihin.
"Good morning, Hogar de Guerreros, athletes! Pinagtipon kayo dito upang ipalam na pagkatapos ng tatlong buwan ay magsisimula na ang tournament sa bawat sports. Maari na kayong magsimulang magtraining, mayroon kayong tatlong buwan para paghandaan ang tournament. Kasama na sa tatlong buwan na iyon ang elimination, isang buwan para sa club's game. Ang mga mananalo ang siyang ilalaban sa tournament," anang head ng sports division.
Nagkatinginan kaming anim at bakas ang gulat sa mga mukha.
"Good luck dear athletes, fight and never let the enemies win. This is the home of athletes, at naniniwala kaming mananalo kayo," dagdag pa nito.
"Hintayin niyo na lang ang announcement ng coaches niyo kung kailan kayo magsisimulang magtraining. Good day ahead," mabilis na sabi niya at tumakbo pabalik sa second floor. Mukhang may klase pa siya kaya nagmamadali.
"Nagpaupo pa, wala pang five minutes ang announcement," I said then rolled my eyes.
"Saan tayo ngayon?" tanong ni Hayden.
"Tara sa canteen, maaga pa naman. Nine a.m pa ang una nating klase," ani Bailey habang nakatingin sa kaniyang relo.
"Let's go, nagugutom din ako," sabi ni Avery habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Gaya ng sinabi nila ay nagpunta kami sa canteen.
"AB psychology," pakita namin sa kani-kaniyang naming ID nang tanungin kami ng professor na nakasalubong namin.
"Sino o-order?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)
RomanceATHLETE SERIES # 4 Andriette Calliope Clementine Molina, needs to win the last tournament in order to hold the title of national chess master. Little did she know that her boyfriend, Sage, used her to help her opponent beat her. Sage couldn't swallo...