Chapter TwelveDay 3
"Tangina ang galing! Ang intense ng laban!" Hiyaw ni Oliver habang pumapalakpak pa.
"Never natalo si Andriette sa chess, 'di na bago na panalo siya," ani Savina at nakipag-apir sa akin.
"And! Ilang beses na rin silang naglaro ni Hayden pero si Ri pa rin ang panalo," dagdag ni Avery at umismid pa.
"Idol talaga kita ate Ri!" Pambobola ni Rey kaya naman pinanggigilan ko ang kaniyang matatabang pisngi.
"Naku! Nambola pa," natatawang sabi ko.
"Magsitulog na tayo mga anak," pag-aya ng kanilang ina sa kaniyang mga anak.
"Ma, mamaya na po hindi pa po ako inaantok. Tsaka sila ate Ri gising pa oh-"
"Matutulog na kami, right, guys?" Agad ni Sage at tumayo na.
"Yes! Matutulog na kami, alas dies na rin. Bawal magpuyat ang mga batang katulad niyo," sagot ko at nagsitayuan na rin ang kaibigan ko.
"Bye Aia! Bye Rey!" Ani namin at nagpaalam na sa isa't isa.
"Bye ate Ri! Bye ate Ley! Bye ate Sav! Bye ate Ave! Bye kuya Sam! Bye kuya Sage! Bye kuya Den! Bye kuya Oliver! Bye kuya William! Bye kuya Hashim!" Lahat kami ay natawa nang banggitin nila iyong dalawa.
"Ako na ang hiningal sa inyo," saad ni Savina at natawa.
"O siya sige, magpahinga na rin kayo," anang ina nila Aia. Nang makapasok na sila sa kanilang cottage ay naglakad na rin kami pabalik sa tent.
"Good night guys! Gising tayo nang maaga bukas, may nakausap ako para sa water activities," sabi ni William.
"Sulitin na natin bukas, last day na," si Hashim.
"Start na ng training para sa tournament, sana talaga manalo tayo. It's exciting yet it makes me feel nervous at the same time," Bailey said.
"Kaya niyo 'yan! Alam kong kaya mo 'yan- I mean kayo," ani Oliver at nagkamot pa ng batok.
'Asus, galawang may pa affirmation pero may konting harot.'
"Tulog na nang lumaki kayo," panunukso ni Sam.
"Aba! Ang kapal ng mukha porke't matangkad!" Sigaw ni Savina at sinipa sa binti si Sam.
"Yan, dasurb!" Pagsulsol ni Bailey. Napailing-iling na lamang ako sa kakulitan nitong mga kasama ko.
"Good night! Totoo na 'to ha, see you tomorrow," Isa-isa ng nagsipasukan sa bawat tent ang lahat. Pumasok ako sa tent para kumuha ng kumot.
"O, saan mo dadalhin 'yan?" Tanong ni Savina sabay turo sa kumot na dala-dala ko.
"Lalabas muna ako, hindi pa naman ako inaantok."
"Wag ka ng lumayo, Ri," aniya na para bang siya ang mas matanda sa aming dalawa.
"Oo na po, ate," sagot ko dahilan para matawa siya. Tinanggal niya na ang kaniyang salamin sa mata at nahiga na. Hindi naman malikot matulog si Sav, kaya kahit mamaya pa ako bumalik, hindi niya masasakop ang pwesto ko. Hindi tulad ni Bailey na daw kitikiti sa sobrang likot.
Ipinulupot ko sa aking katawan ang kumot na parang kapa tsaka lumingon sa paligid.
"Want to have some drink or eat something? May nakita akong tindahan na bukas pa," hindi ko na kailangan pang lumingon dahil kilala ko na kung sino ang nagsalita.
"Crush mo ba 'ko, Sage? Lagi kang sumusulpot, kung nasaan ako naroon ka rin. Buntot ba kita?"
"Well, you can say that," napalingon kaagad ako sa kaniya nang marinig ko ang kaniyang naging sagot.
BINABASA MO ANG
Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)
RomanceATHLETE SERIES # 4 Andriette Calliope Clementine Molina, needs to win the last tournament in order to hold the title of national chess master. Little did she know that her boyfriend, Sage, used her to help her opponent beat her. Sage couldn't swallo...