Chapter Twenty Six

341 3 0
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song: Heart of Mine by Boz Scaggs

Chapter Twenty Six

Mad Dentist

"Oy, Ri. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Bailey nang makalapit siya sa akin.

"Ha?" Tanong ko rin pabalik.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tinatawag do'n sa harapan para kunin 'yong awards mo," sagot ni Savina.

Was I bothered with Allysa's words? She clearly didn't mean that. She was just trying to threaten me.

I walked towards the guests to claim the awards I've received. I was smiling to everyone and thanking them everytime they congratulated me for winning the tournament. I even had been interviewed by reporters from different agencies that have been broadcasted on national television.

It was my moment but I can't help but to think thoroughly about what she said.

"Congrats, 'nak. We're beyond proud of you," my Dad said before she gave me a bouquet of flowers.

"Wooh! Anak ko 'to!" Masayang wika ng aking ina at proud na itinaas ang aking kamay sa ere.

"Ey! Mga nanalo sa tournament! Ey! Sheesh!" Kantyaw nila Hayden.

"May next time pa, Sav. Sure na mananalo ka na," sabi ko kay Savina na kinukuhanan ako ng litrato gamit ang kaniyang kamera.

"Ayoko na, Ri. Masaya na ako na nakapagtry ako once, tsaka hindi ko naman talaga passion 'tong chess. I just gave it a try, 'di ko naman inexpect na aabot ako sa ganito. Don't worry, I am okay. Okay lang sa akin na natalo ako, I have no hard feelings," she assured.

"Naku, Savina, you're so awesome! Ang galing-galing mo kanina," nakangiting sabi ni Miss Monica habang naglalakad papunta sa amin. Kasama niya sina Coach Alvin pati na ang Daddy ni Sage, si Sir Asoro.

"Congrats, Molina, and to all other players," pagbati ni Sir Asoro.

"Thank you po, Sir."

"Thanks, Sir Villanueva."

"Salamat, Prof."

"Maraming thank you, bossing— este Sir Dominic. Joke only lang," nakapeace sign na sabi ni Hayden, bagay na ikinatawa lang ng marami.

"Magcelebrate na tayo! Dinner with the whole fam, and coaches na rin," Suhestiyon ni Avery.

"Sa Cafe ko, sagot ko na. Ang gagaling ng mga anak ko— no hard feelings mga kumare at kumpare, mga anak na rin kasi ang turing ko sa mga 'yan," sabad ni Mama Emz dahilan para magtawanan ang aming mga magulang.

"Magkita-kita na lang po tayo sa Cafe ni Mama Emz," wika ni Sam na sinang-ayunan naman namin.

Nagkahiwa-hiwalay kami ng daan dahil sa pinagparadahan ng mga sasakyang dala ng kani-kaniya naming magulang. May shuttle pa naman kaso ay didiretso na iyon sa eskwelahan para ibaba ang iba.

Sumakay ako sa kotseng ginamit ng mga magulang ko para magpunta rito kanina. Hassle pa sa amin kung sa shuttle pa kami sasabay gayong sa Cafe ni Mama Emz naman ang diretso naming lahat.

"Mabait pala talaga 'yang si Emz, 'no, Ri?" Nakangiting tanong ng aking ina.

"Super, Mom," I answered.

"Ano ba ang buong pangalan ni Emz? I'm sure na hindi naman talaga Emz ang pangalan niya."

"Naku, Dad. 'Pag tinawag mo siya sa pangalan niya baka hindi ka papasukin sa Cafe niya. Emerson Gonzalez ang buong pangalan ni Mama Emz, Dad."

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon