Chapter Twenty ThreeTournament— Torn-amend
"Ri! Anak, anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Hoy! Inaway ba 'tong anak ko?!" Mabilis akong tinungo ni Mama Emz para depensahan. Itinuro niya si Allysa at kinompronta kung siya ba ang dahilan ng pag-iyak ko.
'"Excuse me? Hindi ko nga mahawakan 'yan dahil baka magka-allergic reaction pa ako. Ew, diyan na nga kayo," maarteng sikmat ni Allysa kay Mama Emz tsaka umalis.
"Ano ba kasing nangyari, 'nak? Bakit bigla ka na lang naiyak diyan?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Ma, alis na tayo," bulong ko dahil nagsisimula na ring mapunta sa amin ang atensyon ng marami.
"Halika na. Savina! Sabihan mo sila na uuwi na tayo!" Pagbabalita ni Mama kila Savina.
"Hayaan na lang muna natin sila, they're having fun, Ma. Ayoko pong masira pa ang gabi nila," I wiped my cheeks as we walk away from the club.
"Anyare? Ba't umiiyak ang beshie ko?" Hindi ko alam kung losing ba itong si Hayden o niloloko lang ako.
"Lasing na 'to, grabe uminom kanina. Parang isang siglong hindi nakapag-alak," tugon ni Avery na pasuray-suray na rin.
"Gago, nahihilo 'ko. Nasusuka na, guys, help," nanghihinang sabat ni Bailey.
"Si Ri ang topic natin, may problema yata. Tapos tinatarantado niyo pa!" Tumawa nang malakas si Savina at hinampas-hampas pa si Sam na gumanti rin ng hampas.
Lahat sila ay lasing na sa alak. Tanging ako na lang yata at si Mama Emz ang nasa tamang pag-iisip.
I don't know why but these kinds of scenarios made me laugh before. Now, it only enters my ear then leaves through the other ear. I can't smile… I can't laugh right now. Every word I've heard from Sage was new to me.
"Sa bahay ko na lang tayo mag-uusap, 'nak. Tulunga mo na lang muna akong alalayan ang mga ito. Tatawag lang ako ng masasakyan."
Gaya ng sinabi ni Mama Emz ay sa bahay niya kami dumiretso. May tatlo siyang kwarto kaya hindi na namin kailangang magsiksikan sa iisang higaan. Kaso lang ay baka magkalat itong mga kasama ko kaya nagbigay suhestiyon na lang ako na sa sala na kaming lahat matutulog.
"Ma, dito na lang po tayong lahat sa sala. Sa sahig na lang kami, baka sukahan nila 'yong mga kama sa guest rooms," sabi ko habang inaalalayang makaupo si Bailey na natutulog na.
"Psssst… sasama ta…yo sa la…bun… 'di ako papatalo… lalaban tayo mga… kababayan," nagulat kami sa biglang pagtayo ni Hayden at umarteng isa siyang mandirigma.
"Sampalin niyo na nga 'yan, lasing na lasing," ani Mama Emz kay Sam.
"Yes, yes, yes, Papa… eating sugar… no Papa," itinaas pa ni Sam ang kaniyang hintuturo at lasing na lumapit kay Hayden.
Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa mga kasama ko. Si Bailey ay tahimik na at natutulog. May gumugulong pa sa sahig na si Avery. Si Savina naman ay nasa banyo't nagsusuka. Samantalang sina Sam at Hayden ay tila couple sa isang teleserye sa pinaggagawa nila.
"Jusko, Ri. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa mga 'yan, hindi ko na sana kayo hinayaang uminom nang malala," pagsisisi ni Mama Emz at napailing na lamang.
"May alak ka ba diyan, Ma?" Pagtatanong ko.
"Kasasabi ko lang, 'nak, na hindi ko na sana kayo hinayaang uminom. Hihirit ka pa ng alak, o, siya, meron sa ref. Sa bandang baba may Smirnoff mule, kumuha ka ng dalawa. Mag-uusap tayo sa patio," wika niya habang kinukumutan at inaayos ang pagkakahiga nila Bailey.
BINABASA MO ANG
Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)
RomanceATHLETE SERIES # 4 Andriette Calliope Clementine Molina, needs to win the last tournament in order to hold the title of national chess master. Little did she know that her boyfriend, Sage, used her to help her opponent beat her. Sage couldn't swallo...