Chapter Twenty Two

346 2 0
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song: Dying Inside to Hold You by Timmy Thomas

Chapter Twenty-Two

Break up

"Oh God," nanghihinang usal ko. Nagpapasalamat na hindi nagmatch ang resulta.

"Nak, you okay?" Mommy looked at me with her worried eyes.

"Yes… very okay," natatawa kong bulong.

"Itinry lang naman na itest kayo dahil nagkapareho kayo ng blood type. Baka nagkapalit ng babies during that time, usap-usapan kasi ng mga nagtrabaho na may nars na napalitan ang name tags ng babies," Daddy explained.

"I agreed sa plan na itest ang DNA natin, but thankfully, ayos naman. Akala ko hindi ko anak ang napalaki ko," kinakabahang saad ni Prof. Acker— tinutukoy ang kaniyang anak na si Allysa.

"Well, let's get back to business, shall we?" Nagsitanguan kami at bumalik na sa kani-kaniyang ginagawa.

I was so happy na hindi nagmatch ang results. I am happy being the daughter of my parents. Ayokong umalis sa piling nila. Hindi ko yata kayang matanggap kapag nagkataong nagkapalit sila ng mga anak.

"We only have two weeks left, team. Kaya itodo na natin itong training. Our goal is to bring home the trophies. Sa atin ang panalo, Hogar de Guerreros, aangat hanggang dulo!" Coach Alvin said.

"Chess department for the win!" We all said in unison.

"Start na tayo ng training since kumpleto na kayo," ani Miss Monica at nagsimula na ang training.

"Hi po," Khiesha politely greeted.

"Hi, upo ka," iginiya ko ang katapat na upuan para paupuin siya. Siya ang una kong makakalaban ngayong araw.

"Shall we start?" Tanong niya na tinanguan ko lamang. Para lang kaming naglalaro ng bato-bato pick dahil nagawa pa naming magtawanan. Ngayon lang ako nakapaglaro na hindi tensyonado.

"Ang saya mo pala kalaro," wika ni Khiesha matapos ang laro namin.

"You too," natatawa pa ring sabi ko. Hindi nagtagal ang laban namin, nagtagal kami sa pagkakatuwaan.

"Una na ako, bye, Ri! Salamat sa masayang game. Good luck sa susunod mong laban," tugon niya pagkatapos ay umalis na rito sa kwarto.

"Looks like you've made a friend there," sabat ni Hayden na katatapos lang din ng laro.

"I think I just did, she's cool though."

"Kita nga namin kanina, ang ingay niyo e. Tawa kayo nang tawa," he said as a matter of fact.

"Tapos na ba kayo?" Tanong ko kila Sam.

"Yes, diretso raw tayo sa Cafe ni Mama Emz. Isusurprise raw natin," aniya. Kaarawan kasi ni Mama Emz ngayon kaya balak namin siyang sorpresahin.

Nang matapos ang training naming lahat ay pumunta na kami sa Cafe. Hindi muna kaagad kami pumasok dahil baka mabulilyaso ang oplan: surpresa namin.

"Gilid, guys. Target is approaching," pagbabalita ni Hayden na animo'y sundalo na nasa giyera. Habang hinihintay na makalayo si Mama Emz ay tiningnan muna ni Avery kung kumpleto na ba lahat ng kailangan namin.

"Cake?"

"Sisindihan na lang," sagot ni Savina.

"Flowers?"

"Roses as always," ani Sam.

"Birthday banner?"

"Happy Birthday, Mama Emz. We love you forever na nakadisenyo na parang sa lamay," si Bailey naman ang sumagot.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon