Chapter Thirteen

303 4 0
                                    


Chapter Thirteen 

Training

My arms hurts like hell, napwersa siguro sa pagsasagwan kahapon. 

"Good morning, 'nak," pagbati ng aking ina.

"Morning, Mom. Where's Dad?" I asked while spreading the cheese spread we bought at the market. 

"Tulog pa ang Daddy mo," tumingin ako sa orasan at nakitang alas singko na ng umaga.

"Wala siyang pasok?" Usually maagang nagigising si Daddy dahil may pasok siya sa trabaho.

"Meron, Doc. Mamaya pa raw 2:00 pm ang pasok niya. Hindi naman masyadong marami ang kliyente ngayon sa clinic ng Daddy mo," my Dad is a dentist. There's a lot of perks of being a daughter with a Dentist father. Libreng paayos at palinis ng ngipin. Also, it felt so good kapag tinatawag akong Doc o Doktora ng parents ko. It's like a soothing song that 

"Kumusta ang pastry shop mo, Mom? Pupunta ako sa weekends para magbantay—"

"It's okay, magfocus ka na lang sa training niyo for tournament. Ngayon ang training training mo anak, hindi ba?" I nodded and bit the bread I made.

I did my ordinary and usual morning routine before I headed to our school. Nagtaxi na lang ako para mabilis at hindi na ako magmaneho ng motor dahil masakit ang braso ko. Nang maiabot ko na ang bayad ay naglakad na ako papasok ng gate. 

"Morning, Andriette," my past classmates greeted.

"Hello sa inyo, good morning din," bati ko pabalik habang ini-scan ang aking I.D.

"Goodluck sa training mamaya!" Ana ng isa sa hindi ko matandaan ang pangalan. All I know ay kaklase ko siya noon at kasali siya sa chess club.

"Thanks," gaya ng buhay ng mga estudyante, nagkukumpulan din ang iba at nakaharang sa hallway. Mayroon pang panay ang retouch, may bagong gising pa yata, may mukhang kinabahan dahil akala ay late, at mayroong kagaya ko. Walang pakialam.

It's such a waste of time kung gagayahin at kikilalanin ko pa ang lahat. Basta buhay at humihinga, that's fine. When I entered our classroom, I sat on my chair and waited for our professor. May halos twenty minutes pa kaya naman pumunta ako saglit sa Cafe ng school para bumili ng Frappuccino.

Out of the blue, while I was sipping my drink, nakapa ko ang perlas na kwintas sa aking pitaka. I smiled at the thought that it came from other person. From the person I least expected that will give this to me. 

I wore the necklace and the bracelet he gave me. The shell bracelet fits perfectly on my wrist. 

"Good morning, Ri! Wala pa si Prof— omo, ang ganda naman niyan," anang kararating lang na si Bailey. Naintriga ang mga kasabay niya kaya naman nagsilapitan din ang ibang miyembro ng Alpha.

"Patingin."

"Totoong pearl 'yan ah?"

"Ginawa mo, Ri?

"Saan galing?" Sunod-sunod nilang tanong sa akin habang pinagmamasdan nang maigi ang mga suot ko. 

"Bigay lang," sagot ko sabay taas ng dalawang kilay.

"Oh? Sino nagbigay?" Ani Avery.

"Just this someone, no more questions. Nariyan na si Prof." It's not that I don't want to answer her question. Ayoko lang sabihin kung sino dahil baka kung ano ang maisip nila. 

The class went smoothly, hindi tone-tonelada ang activities para sa araw na ito. Binigyan din kasi kaming players ng consideration dahil alam nilang halos lahat ng manlalaro ay magp-pokus sa training. 

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon