Chapter One

675 11 4
                                    

Chapter One

Warning

"Andriette! Wake up," Bailey snapped her fingers in front of my face and that's when I realized that I'm too occupied.

"W-What?" I asked while furrowing my forehead.

"We're talking about our new activity. Free ka ba sa Saturday?" ani Avery.

"Anong gagawin natin sa sabado?" tanong ko habang okupado pa rin sa narinig ko kanina. May anak pala si Prof. Asoro? Akala ko ba single pa iyon?

"Pupunta nga sa horror house. Ito paulit-ulit, sarap kaltukan," akala siguro ni Hayden ay hindi ko narinig ang ibinulong niya.

"Talaga, Hayden? Fuck you," and I raised my middle finger right to his fucking face.

"Is there anything wrong, Andriette?" Sam asked me while we're walking down the street. We are now heading to our favorite place, the Space Cafe.

"Di ba single si Professor Asoro?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Yeah, iyon din ang alam ng buong school," pagsagot ni Savina.

"I heard the student beforehand, he called him Dad," I said pertaining to the man who was punched by the other student.

"Maybe he has a son, I heard his name. Chester Sage ba iyon? Basta narinig ko iyon noong napadaan ako sa faculty tapos naglalakad si Sir Asoro kasabay si Ma'am Acker," ani Avery, sina Prof. Lindsay at Prof. Dominic ang tinutukoy.

"Is that true? Or baka mali lang ang narinig mo?" tanong ni Sam habang patawid kami sa pedestrian lane.

"Are you saying na imposibleng magkaroon ng anak si Sir?" si Avery pa rin.

"Hindi naman, ang point kasi ay hindi ka sure kung may anak ba si Sir. Maybe nga ang sinabi mo, ibig sabihin feeling mo lang. Wala pang kasiguraduhan," ani Hayden.

"But I guess he is his father. Concern was visible on Professor Dominic's face. The way that he reacted when he saw that man's punched face was like a father concerned to his son," saad ko.

"Hello guys!" bati ni Mama Emz nang makarating kami sa cafe na pagmamay-ari nya.

"Hi Mama Emz!" tili ni Avery.

"Taray! Ang taas naman ng energy natin, Artemis!" ani Mama Emz.

"Kumusta, Mama Emz?" tanong ni Savina habang naglalakad kami sa parati naming pwesto.

"Maganda pa rin ang bakla, naloloka ako dahil sa mga babae na nagmemessage sa akin. Kaloka, hindi nila alam lalaki rin ang hanap ko," aniya na nagpatawa sa aming lahat.

"O siya, sige na. Pumili na lang kayo ng order tapos gaya ng nakagawian, pumunta kayo sa kitchen," sambit ni Mama Emz.

"Ma, sino na palang magbabayad sa aming anim?" tanong ni Sam. Kinuha ni Mama Emz ang maliit niyang notebook at tiningnan doon kung sino ang nakatokang magbayad ngayon.

"Ikaw na magbabayad, Bailey, hija," sagot niya.

"Wala bang libreng foods? Walang sobra sa kitchen, Ma?" tanong ni Hayden habang tumitingin sa menu.

"Nak, Monday, Wednesday, Friday lang ang libreng foods niyo. Aba, malulugi naman ako niyan."

"Anong malulugi, Ma? Isang dosena na ang branch ng Space Café mo. Paano ka malulugi niyan, Ma?!" histeryang ani Hayden habang ipinakikita ang pader kung saan nakapintura ang lugar kung saan nakatayo ang ibang branch ng Space Café.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon