Nang minsan tayo'y nasugatan –
Duguan, wasak, durog;
Nakita natin ang problema.Nang minsang nagkasundo,
Naging masaya't nagpasalamat;
Tinanggap natin ang isa't isa.Nang minsang natumba,
Nasugatan, at nasaktan
Isa't isa ang naging karamay.Nang minsang makaligtaan
Ang mga pangakong sinambit
Tayo'y natakotNgunit kaya nga bang
Magpatawad at magpatuloy
Nang minsang nagkadiperensiya?
BINABASA MO ANG
Lila ang 'Yong Kulay
PoetryIto'y koleksyon ng mga tulang handog sa iba't ibang simula't hantungan ng mga damdaming pilit na itinatago. --- Pati dugo mo'y lila Sa gabing ang lampara Ay di sumisindi Dahil sa dami ng banta -Mula sa tulang Lila