Saksi

15 5 1
                                    

Naging saksi ka
Sa mga mukhang
Inilalabas, nagsisinungaling,
Sa karangyaang puno ng
Poot at kasakiman,
Sa kasawiang
Nginangatngat ang
Natitirang pakiramdam,
Sa hagayhay na
Naging buhawi,
Sa ambong
Ngayo'y bagyo.

Naging saksi ka
Sa mga iginuhi't isinulat
Nang walang tigil
Sa bawat gabi,
Sa mga pagpapagal
Na 'di binibitiwan,
Sa mga kulay lila
Na naging mantsa,
Sa pusong naghahanap
Lamang ng buhay,
Sa mga damit na
Paulit-ulit na isinusuot.

Saksi ka
Sa mga matang
Walang tulog at
Tigil sa pag-iyak,
Sa boses na
Napapaos sa kakasigaw,
Sa mga paang
Pagod sa pagsunod,
Sa mga kamay
Na walang tigil
Sa pagbigay.
Ngayo'y ihayag mo
Ang iyong nasaksihan.

Lila ang 'Yong KulayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon