Pati dugo mo'y lila
Sa gabing ang lampara
Ay di sumisindi
Sa dami ng bantaIkaw ang naging ilaw
Hanggang sa masilayan
Ang ginintuang silahis
Na nagdadala ng pag-asaNang hinawi ang kurtina
At naalimpungatan sa
Pagsikat ng araw
Ika'y nakitang tulalaKay gandang lila
Ngunit bakit asul
Ang nakaukit sa
Iyong mga mata?Huling beses na pala
At ang 'yong pagbantay
Ay pahimakas para sa
Pinakamamahal mong aba
BINABASA MO ANG
Lila ang 'Yong Kulay
PoetryIto'y koleksyon ng mga tulang handog sa iba't ibang simula't hantungan ng mga damdaming pilit na itinatago. --- Pati dugo mo'y lila Sa gabing ang lampara Ay di sumisindi Dahil sa dami ng banta -Mula sa tulang Lila