Pilit

18 5 2
                                        

Pilit tayong itinatali
Ng ating mga pusong magkamukha.
Ang ating mga hininga'y
Unti-unting sumasabay
Sa isang ritmong patuloy
Nating pinakikinggan sa
Mga gabing mag-isa't
Naghahanap ng higaan.
Mga dugo nati'y kulay lila;
Mga ugat ay nakasalabid
Na para bang ang buhay'y
Nakilala na sa
Kadilima't kasawian

Pilit tayong bumubukod
At naghahanap ng kasarinlan
Naghahanap ng minsan
Habang ulirat'y nakatayo
Lamang sa isang paa
Nagbabakasakali sa
Mga pangakong nadinig
Na para pala sa ibang tao't
Pagkakataon inihanda't ibinigay
Ngunit babalik pa rin
Sa minsang pilit na
Buhay na pinagtatagpo.

Lila ang 'Yong KulayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon