Maari bang
Humiram ng pambura?
Marami kasing maling
Salita ang binibigkas
Nitong bibig,
Puno kasi ng hinanakit
Ang pusong nais
Lamang magmahal,
Paulit-ulit kasing
Natitisod sa mga
Damdaming pilit
Kong ibinabaon;
Kaya maaari bang
Humiram ng pambura?
Upang patuloy na
Magmahal ng walang
Pasintabi't alinlangan,
Upang hindi mapago't
Sumuko sa labang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/280700033-288-k591692.jpg)
BINABASA MO ANG
Lila ang 'Yong Kulay
PoesiaIto'y koleksyon ng mga tulang handog sa iba't ibang simula't hantungan ng mga damdaming pilit na itinatago. --- Pati dugo mo'y lila Sa gabing ang lampara Ay di sumisindi Dahil sa dami ng banta -Mula sa tulang Lila