Tahanan

18 4 2
                                    

Lahat sila'y nakayuko.
Bulag sa paligid na dinadaanan –
Pilit na itinataboy mga kapit ng kamay,
Mga sigaw ng kinaladkad,
At hinaharangan ang pang-aakusa
Ng mga aba.

Punit-punit na damit,
Nagmamagang talampakan;
Kelan ba magkakaroon ng
Sapat na kapahingahan?
Kung ganito ang mukha
Ng kinabukasan
Maaari bang bumalik
Upang maisalba ang
Minamahal na tahanan?

Hanggahang walang hinirang
Pagkatapos itong ipaglaban
Watak-watak and telang ibinigkis.
Mga sugat na itinahi,
Lubhang dumurugo
At dumudulot ng malubhang sakit
Sa dapat sana'y umuusbong
Na paraiso para sa mga iniligtas

Ngunit ano ang nangyari?
Bakit iilan lamang ang
Nagmalakas na tumingin
Na punitin ang mga piring
Na makinig
Na humayag
At ibalik ang tahanan na para sa'tin?

Lila ang 'Yong KulayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon