FIGHT - 9

21 6 1
                                    

FIGHT - 9

"So you went to Korea without telling us?"

Dorry just looked down and didn't know what to say infront of her mother and father who's actually waiting for their arrival at the Davis' household.

Theo and his brothers leave them and went inside to gave them some privacy to talk. Theo's mother eve offered them to talk inside but her father refused with a cold voice and aura.

"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Hinding-hindi ka talaga nakikinig saamin--"

"You said you won't need me anymore, right?" anito na nakapagpatigil sa ina niya. Walang mababasang emosyon sa mukha niya habang siya'y matapang na sinalubong ang mga matatalim na tingin ng ina. "Then why bother telling you that I'm in Korea to compete? You even don't like the idea that I joined in taekwondo team. So I assumed that you didn't care at all since you already disowned me." pigil ang hikbi niyang sabi.

Halatang natigilan ang ina niya pati na rin ang ama na kanina pa tahimik. Bumuka ang bibig ng ina niya para magsalita pero walang salitang lumalabas don.

She clenched her jaw. "C-Could you please leave? With all due respect. Nakakahiya na kayna tita."

"Is that it?" her mother spoke. "Dito ka na titira kahit hindi ka nila kapamilya?" mapaklang natawa ang ina niya at dinuro siya. "Ikaw dapat ang mahiya para sa sarili mo, Dorry. Nagmumukha kang palamunin dito--"

"But at least I could feel their care unlike my real parents!" Dorry couldn't help anymore but to burst tears. "T-They even supported me in what I wanted to be. They welcomed me as a new member of their family." she keeps on shaking her head. "Kung kaya nyo akong abandonahin, pwes kaya ko rin iyon gawin sa inyo. Kakalimutan ko na lang na may mga magulang ako. From now, I'm nobody. I have no parents and no permanent house. This is me. This is what I wanted and I knew this is the best for me so I keep on going without you, mom and dad.... goodbye."

Walang imik na tinalikuran siya ng ina nito at nagmamartsang sumakay sa dala nilang sasakyan. Ganun din naman ang ama niya na sumunod sa ina niya.

Napabuntong-hininga siya habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng mga magulang nya.

"HIJA, ayos ka lang ba?"

Theo tsked. "Hindi ba halata, mom? Namamaga ang mga mata nya eh."

"Hay, tumahimik ka nga dyan, anak. Nakakarindi ka."

Theo rolled his eyes. "Whatever." then he stood up. "I'll go get some water."

Natahimik sa salas sa loob ng kabahayan nina Theo. Umalis ang dalawang kapatid nito at ang ama raw nito ay may kailangang asikasuhin kaya si Theo at ang ina lang nito ang naiwan rito sa kabahayan. Dumagdag lang siya.

Nagulat na lang si Dorry nang hawakan ng ginang ang kamay niya. Nagtaas siya ng tingin at nahuli itong nakangiti sa kanya habang bahagyang hinahaplos ang kamay niya.

"Alam mo, hija? I admired you. Ang tapang-tapang mo at marunong nang tumayo sa mga sariling mong mga paa sa edad mo lang na sampung taong gulang." she caressed her hair softly. "I understand your part though wala akong karanasan sa mga dinaranas mo ngayon lalo na at sobrang bata mo pa para iwan at abandonahin ng sarili mong magulang. But they're still your parents that you need to respect. And yet, parents aren't always right. They also need to understand amd support their child on what they want or wanted to be. Maybe your parents are like that because... they love you, care for you and tried to do what's best for you--"

"They wouldn't abandon me if they really care for me nor... l-love me." she swallowed hard then looked down. Trying not to fall her tears again.

Tinakpik ng ginang ang likod niya. "Don't worry, hija. I'm here-- we're here for you. Remember that, okay? You could always lean on me if you're happy, lonely or sad or someone you need to talk to."

To Fight For Survival (Athlete Series #3) ON-GOINGWhere stories live. Discover now