FIGHT - 21

11 2 0
                                    

FIGHT 21

Shit I need to get out of here! 

Naka aircon naman ang room pero bakit banas na banas pa rin ako? Pinagpapawisan ako ng malamig pero hinyaan ko pa rin na yakapin ako ng makapal na comforter. 

I can't sleep either. Not because it's not comfy. But because I have this feeling na may gagapang sa akin sa oras na makatulog na ako. 

Umiling iling ako at nagdasal na lang bago ipinikit ang mga mata saka huminga ng malalim at natulog. 

Hope that tomorrow I will have a good day to think and move to my next plan. 

Wala pang limang minuto nang maramdaman kong bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Sa isiping si tita Trina 'yon para icheck ako, hindi na ako nag abala pang imulat ang mga mata dahil baka mawala na naman ang antok ko. 

Maya-maya ay naramdaman kong lumalim ang kama sa bandang side ko kung saan ako nakatalikod at napatalon ako sa gulat ng may yumakap na lang bigla sa likod ko.

Handa na akong sipain ang mapangahas na gago nang maaninag ko ang gwapong mukha ni Theo. Nakangisi pa ang gago na parang siyang-siya sa ginawa. 

"Gago ka! Ano bang ginagawa mo dito?! Kita mo bang alas tres na ng madaling araw?!" singhal ko sabay sinuntok ang balikat niya. 

Nakahubad-baro pa!

Sinalag niya ang dalawang kamao ko at ipininid iyon sa headboard ng kama. 

Nag init ang buong katawan ko nang marealize ang posisyon naming dalawa. Nakapatong na sya sa akin at nakatitig sa mga mata ko samantalang ako ay pigil ang hininga at kung saan-saan naglalakad ang mga mata. 

"You were saying?" maangas na tanong nya. 

Tumikhim ako at sinalubong ang tingin niya. "Umalis ka sa harapan ko bago pa kita masipa riyan." pananakot ko at sinulyapan ang pagkalalaki niya. 

Pero imbis na matakot at umalis sa harapan ko, tumawa lang ito ng nakakaakit. 

"Babe, kapag sinipa mo ako riyan, pano na tayo makakabuo?" 

My brows furrowed. "Huh?" 

For the record, hindi pa ako naging lutang ng ganto. 

He chuckled and leaned closer to kiss my neck up to my ears. Then he whispered. "Can I sleep beside you?" 

Bahagya ko syang itinulak nang pakawalan nya ako. 

"At bakit? Di ba may sarili kang kwarto? Edi don ka!" 

Bumalik na ako sa pagkakahiga at tumalikod kung saan siya nakapwesto. Naramdaman ko namang humiga rin siya at niyakap ako patalikod. 

Anak ng… ano na naman itong nararamdaman kong parang may nagliliparang paru-paro sa tiyan ko? 

"I want us to stay like this." aniya matapos ang ilang segundong pagkakayakap sa akin. "Forever." 

Hindi ako kumibo at naghintay pa sa mga susunod niyang sasabihin. Ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala na akong narinig na salita mula sa kanya kaya bahagya akong tumagilid papaharap sa kanya.

I let out a soft chuckle when I found him asleep. I seize the time to stare at his very angelic and gorgeous looking innocent face. 

I caressed his cheeks and muttered a whisper. "I want this too. But we can't." A tear fell on my left eye. "We both know that the situation that I'm in is very risky. I have enemies out there and my life is very dangerous. I just don't want you to be part of it, Theo. You didn't deserve it. You didn't deserve me." pumiyok ako sa huling sinabi ko kasabay ang pag agos ng mga luha. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Fight For Survival (Athlete Series #3) ON-GOINGWhere stories live. Discover now