FIGHT - 19

26 1 0
                                    

FIGHT - 19

"Sis, pansin ko lang sayo ha, bakit ang blooming mo these days? Hmm?" 

"Oo nga. Share naman dyan, Dorry." 

"What's your secret, Dorry? Napapansin ko rin na nagbabago na rin ang pormahan mo." 

Pasikreto akong bumuntong-hininga sa mga tanong sa akin ng mga kaibigan ko. Ang totoo nyan, hindi ko pa nasasabi sa kanila na nagbabago na ako. 

Tanging si Marzena pa lang ang nakakaalam. Isang linggo na itong wala at hindi pumapasok dahil pinagbawalan muna raw siya ng duktor nuong tanghali na sumakit daw ang puson nito. 

"Hanelle is right, Dorry. Pansin ko rin na iba ka na pumorma ngayon. Hindi tulad dati na palaging denim pants, ripped jeans at oversized shirt ang suot mo." Bryle said. 

"True! Oh and…" Astrid lifted some strands of my hair. "your hair! Humahaba na ang buhok mo. Ayaw na ayaw mo na palaging humahaba ang buhok mo kaya agad kang nagpapagupit. Tapos iyang kilay mo ang nipis na rin. And…" she grabbed my chin and looked closely at my face. She gasped. "Oh my god you're wearing makeup!" 

Makahulugan na tumitig sa akin si Hanelle. "Hmm, why are you suddenly changing, Dorothy Santiago?" 

I rolled my eyes. "Stop calling me by my name. And don't ever mention the name Dorothy." 

Hanelle chuckled. "Okay, fine. So back to my question. Why change, my friend?" 

"Aha!" Amara exclaimed and wickedly grinned. "Siguro nadiligan kana ano!" tumawa pa ito ng malakas. 

Pabirong kinurot naman ni Astrid si Ara sa pisngi. "Pakifilter naman po ng mouth mo please. Wala nga rito si Mars pero ikaw naman ang pumalit." 

Brylee sighed. "Bawal bastos dito." 

Inirapan lang ni Amara ang dalawa. "So ano na, Dorry? Bakit parang bagay kang maging bida duon sa kanta ni Moira na 'Titibo-tibo'?" kumanta pa talaga ang loko. 

"Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla

Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month

Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla

Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala…." 

Nang mag chorus ay sinabayan pa talaga nilang lahat. 

"Kahit ako'y titibo-tibo

Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

Na para bang bulaklak na namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

Sikat ng araw-araw mong pag-ibig

Sa'king buhay nagpapasarap."

Kahit ako ay napatawa na rin. Nasa court kasi kami ngayon at halos lahat ng mga nanonood ng practice sa basketball ay napapalinggon na sa amin. Pati na rin ang nga bball players. 

"Okay, okay, stop na mga amigas." tumigil naman sila matapos ang tawanan. "Uhm, I don't know how to start but, yes, you're right. I decided to change. To be the woman that I am today. I realize that, dapat pala pahalagahan at mahalin natin ang binibigay sa atin ng Panginoon at hindi ito aksayahin. Naisip ko rin na, hindi ko matanggap-tanggap ang sarili ko bilang isang babae. At ibig sabihin non ay hindi ko tanggap kung ano ang ibinigay sa akin ng Diyos." I sighed. "I'm starting to get there. I'm starting to get to know myself more. And let's just say na, I'm ready. To become a woman I should be." 

Ilang minuto silang walang imik hanggang sa umirit si Astrid at niyakap ako ng mahigpit. Sumunod naman si Amara, Hanelle at Rylee. 

"God, I'm so happy for you, girl!" 

"Finally! You see that you're more worth it!" 

"Masayang-masaya ako para sa'yo, Dorry. Don't worry, we'll help you on how you should dress and act as a woman. We got your back." 

"Congrats, Dorry." 

Panay ang pagpapasalamat ko sa kanila. Akala ko talaga magagalit sila dahil pinili kong baguhin ang sarili ko. Pero mas gusto pa pala nila 'yon. At iyon ang ikinatutuwa ko kahit papaano. 

"What happened?! Why are y'all screaming?!" 

Hinihingal na galing sa pagtakbo si Theo papunta sa pwesto namin. Tumigil pala muna sya sa paglalaro ng bball. 

Agad siyang sumampa sa railing na nagsisilbing harang sa court at sa bench. 

"Are you okay? May masakit ba sa iyo? Anong nangyayari?" 

Nanunuksong ngumiti si Astrid. "Ito kasing kaibigan namin, nagdadalaga na!" umirit pa talaga sya. 

"H-Huh?" 

Hinila ko papalayo sa kanila si Theo. "Huwag mo silang pansinin at bumalik kana sa game mo." 

Imbis na bumalik, ngumisi ito at hinawi ang buhok na nasa may mata ko. "You look so pretty today. Mas lalo kang gumaganda sa araw na nakikita kita."

Corny at simpling complement pero tumiklop kaagad ako. 

Tanggal angas mo, Santiago!

I cleared my throat. "Psh. It's just an illusion, bud." Itinulak-tulak ko sya papasok ng court. "Bumalik ka na nga sa game mo. Hinihintay ka na ng teammates at coach mo oh!" 

Tumawa sya. "Okay, okay, baby, chillax." kumindat pa ang loko. "See you later. Sabay tayong umuwi." ani sabay takbo papalapit sa coach at teammates niya. 

Bumalik ako sa pwesto namin at nagpaalam muna saglit para lumabas ng campus at bumili saglit ng street foods. Nag crave kasi ako bigla. 

Habang kumakain ng fishball at kwek kwek, naramdaman ko bigla na parang may nakatitig sa akin. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala naman akong makita na may nakatingin sa akin kaya ipinagsawalang-bahala ko iyon at bumalik na lang sa pag kain. 

"Kuya, isa pa nga pong order ng kwek kwek." sabi ko sa tindero. Tumango naman ito at naglagay pa ng walong pirasong kwek kwek sa halagang kinse pesos saka inabot sa akin.

"Salamat po!" 

"Mukhang napapasarap ka ata ng kain ah." 

Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na iyon. 

Anak ng… abala naman sa pag kain ko uy! 

Sura akong lumingon dito. "Anong kailangan mo?" 

He smirked. "Kumusta naman ang misyon mo? Gumagana ba? Napapahulog mo na ba sya?" 

Nang dahil sa sinabi niya, nawalan tuloy ako ng ganang kumain. 

Ngumiti ako ng peke at tumango. "Don't worry, old man. I won't fail this mission." 

Humalakhak ang demunyu. "Iyan ang gusto ko sayo, Rydor. Sumusunod sa usapan. Ikaw talaga ang pinakaloyal kong disipulo." 

Gago! 

"O sya maiwan na kita. Aasahan ko sa susunod na linggo ang perang makukuha mo sa kanya kaya pag igihin mo. At kapag nakumpleto mo na ang pera, maaasahan mo ring makikita mo na sa personal ang hampaslupa mong kapatid." 

Oh fuck you! Mas masahol ka pa sa demonyo! 

"You know me, Rydor. Tumutupad ako sa usapan kapag sinunod mo ng mabuti ang ating pinag-usapan." 

He patted me on my cheek before he left. 

Gross! 

My jaw was literally shaking and clenching while I'm watching his back walking away. Nanginginig din ang buong kalamnan ko sa galit at kagustuhang sugurin ang lalaking 'yon at tirisin hanggang kamatayan. Pero hindi pa ngayon ang araw na 'yon. 

It's not yet your time to die, Jomo Eleazar. 

And I'm looking forward to that day when it happens. 

~amph1trite~

To Fight For Survival (Athlete Series #3) ON-GOINGWhere stories live. Discover now