FIGHT - 16

31 5 3
                                    

FIGHT - 16

Pagod na sumalampak ng upo si Dorry sa simento sa sirang gusali kung saan siya ngayon nanunuluyan matapos niyang maglibot-libot upang manghingi ng tulong sa mga tao o sa madaling salita ay manglimos. Walang wala siyang pera pangkain at halos tatlong araw nang walang laman ang kanyang tiyan. Ngunit sa kasamaang-palad, walang nagbigay sa kanya ni piso. 

Pabalik-balik rin siya sa presinto para humingi ng tulong para hanapin ang apat na lalaking kumuha ng kanyang maleta at backpack na kung saan nandoon ang kanyang selpon at wallet pati na rin ang passport at card para sa kanyang bank accounts. 

Napatayo siya bigla nang makarinig ng sireno ng pulis na paparating sa pwesto niya. At tama nga ang hinala niya. Tumigil ito sa harapan niya at may isang pulis na lumabas sa passenger seat. May hawak itong posas kaya agad siyang kinabahan. Ngunit mas lalo pa siyang kinabahan nang may Ginang na bumaba sa likod ng sasakyan.

"Sya yon! Hulihin nyo sya! Hinoldap niya yung wallet ko kahapon!" sumbong ng Ginang sa pulis. 

The police approached her and were about to cuff her wrist but she stepped back. 

"You cannot arrest me. I'm just a minor. Seventeen years old and fighting to survive." taas-noo niyang ani.

"At nakuha mo pang mag ingles ha?! Hayop kang bata ka! Pumarito ka!" 

Sinugod siya ng Ginang at akmang hahablutin ang buhok niya nang umatras siya at muntik nang mapasubsob ang Ginang sa simento. 

Lihim siyang natawa at kumaripas ng takbo. 

"Anong ginagawa nyo?! Habulin nyo sya!" utos nito sa pulis at hinabol siya. 

She ran as fast as she could in the middle of the crowd to distract the police man. And it worked. But the smile on her face suddenly faded when another police officer crossed her way. 

Oh, shit!

Dorry immediately looks for another way but there's none! All the way on her left and right are both blocked and there's a sign that there's no entry.  

Crap! Checkmate! 

Pero hindi sya dapat sumuko. Hindi sya pwedeng makulong dahil hahanapin pa niya ang kanyang kapatid at si Theo. 

She's palpitating especially when the police officers were there to get her. But before they could arrest her, someone pulled her wrist away from the police officers and dragged her somewhere where it's dark and quiet.

"Sino ka?" pilit niyang inaalis ang kamay nito sa kanyang pulsuhan. "Bitiwan mo ako!" 

Akmang manlalaban siya nang magsalita ito.

"Tumahimik ka na lang." wika ng estranghero na may telang nakatakip sa ilong pababa sa bibig. 

Hindi niya alam kung bakit hinayaan niya itong hilahin siya patungo sa kung saan. Dapat ata magpasalamat pa sya dito sa pagligtas sa kanya sa mga pulis na dudukot sa kanya. 

She squeezed her eyes off when a bright light dazzled her eyes. 

"Boss, she's here." 

Boss?

Kinusot niya ang mga mata at nagmulat. Duon tumambad sa kanya ang isang lalaking medyo may edad na na humihithit ng sigarilyo. Nakaupo ito sa mataas at malaking upuan na gawa sa kahoy na may mga palamuti. 

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ikaw si Dorry Santiago, hindi ba?" 

Natigilan siya. "S-Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" 

To Fight For Survival (Athlete Series #3) ON-GOINGWhere stories live. Discover now