FIGHT - 20

16 0 0
                                    

FIGHT - 20

"Tagal mong nawala sa training, Santiago. Bawi tayo ngayon, ha?" 

Tumango ako at nginitian si coach na patuloy pa ring umaasa sa kakayahan ko sa taekwondo kahit isang linggo ako walang maayos na training. 

"Yes, coach!" 

"Good. Now partner up with Garcia. He'll introduce to you some techniques. And hey, he's the new team captain for the meantime since you've been missing in action on our training." he shrugged. "But maybe you could bring back your position when you show perseverance and hard work on your training. You're still a blackbelter after all." 

"I understand, coach. I'll train harder this time." 

Tumango si coach at bumalik sa pwesto niya. 

Yeah, that's right. I'll train hard and win competitions to earn money so that I could bail my brother from the hands of that monster. 

Just wait a bit, Kuya. Ililigtas kita.

Coach clapped his hands to get his students' attention. 

"Listen up, guys. The sports coordinator just emailed me that there will be an upcoming competition this weekend." 

Bingo!

"So be prepared and give your best, understand? And don't forget to have fun. That's the main purpose of this game. Let's call it a day." 

Naghiyawan naman ang karamihan sa sinabi ni coach. Hindi pa nga nag iinit ang pwet ko dito sa floor mat, tapos na kaagad ang training. 

Lumapit sa akin si coach. "Santiago, bukas excuse ka sa klase nyo. May special training ka since hindi ka nakapag ensayo ngayon." 

"Yes!" Walang klase! 

Ngumisi si coach. "Don't be excited. Mapupuruhan ka bukas sa training. Paniguradong bugbog sarado ang katawan mo." 

Umiling-iling ako. "Nah, it's okay, coach. Sanay na naman ako. No pain no gain, right?" 

He chuckled. "Ikaw talagang bata ka. Sige na, isasarado ko na itong studio." 

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na matapos magpaalam kay coach. Tumingin ako sa orasan ko at napamura nang late na ako sa trabaho. 

Muling sumagi sa isipan ko na nagresign na pala si Theo sa pagpapart time. Paniguradong wala ng maingay sa convenience store. 

Pero ganun na lang ang gulat ko nang matanaw ko mula sa labas ng Starmart si Theo. 

Anong ginagawa nya dito? 

Naka uniform pa ito ng store at mukhang malalim ang iniisip dahil hindi man lang siya lumingon nang pumasok ako ng store kung hindi ko pa tinawag ang pangalan nya na syang gigising ng diwa niya. 

"Oh, you're here." 

"Aba'y malamang dito ako nagta trabaho eh. Ikaw? Bakit ka nandito? Hindi ba nag resign kana?" pagtataray ko at hinubad ang bag. 

Umiling ito. "Bumalik ako. I need to earn more money." 

Natawa ako. "Bakit? Hindi pa ba sapat ang milyong milyong pera na kinikita mo sa bar?" 

Itinuon niya ang palad sa counter at tumitig sa mga mata ko. "Honestly, no. It's not enough to build a mansion and to sustain the needs of my future wife and kids." 

Dumagundong bigla ang dibdib ko sa di malamang kadahilanan. Simpleng oo o hindi lamang ang sagot sa tanong ko pero ang lalim ng isinagot niya. Nakakapanlambot din ang mga titig na ibinabato niya sa akin. 

To Fight For Survival (Athlete Series #3) ON-GOINGWhere stories live. Discover now