FIGHT - 12

22 6 5
                                    

Happy Halloween! 🎃

FIGHT - 12

Binalaan ng pulis si Dorry na huwag na muling gagawa ng gulo bago siya tuluyang makalabas sa presinto kinaumagahan. Imbes na matuwa siya at makakalaya na siya ay kabaliktaran naman ang nararamdaman niya.

She wanted to stay behind the bars forever. Kung pwede nga lang gumawa ng masamang gawain araw-araw para lang makulong siya ay gagawin niya. Tutal wala namang naniniwala sa kanya kung gaano kasama ang mundong kinagagalawan niya. Even her mother didn't believe her.

Walang ganang naglakad si Dorry palabas ng presinto at naglakad hanggang sa kung saan siya dalhin ng mga paa. Natagpuan na lang niya ang sarili sa harap ng bahay nina Theo.

"Ang daya mo naman. Iniwan mo ako dito mag-isa." bulong niya sa hangin habang nakatanaw sa dati nitong silid.

Dorry hopelessly went back to her parents' house. Bumungad sa kanya ang ina pagkabukas niya ng pinto ng kanilang bahay.

"Nadala ka na ba?" nakahalukipkip at nakataas ang kilay na tanong nito. "Masaya bang matulog sa kulungan? Uulitin mo pa ba ang ginawa mo? Mabuti talaga at hinayaan kita roon sa presinto para madala ka ng bata ka eh."

Nanatili siyang nakatungo at hinayaan ang ina na pagsalitaan siya kahit wala itong kaalam-alam sa nangyayari o sa nararamdaman niya.

She just respect her mother although her attitude towards to her seems not like a mother's way of approach to her child.

Wala rin namang mangyayari kung magsasalita siya di ba? Hindi rin naman ito maniniwala sa kanya dahil isa lang siyang anak na walang kamuwang-muwang sa mundo.

"Nakikinig ka ba?"

Nagtaas siya ng tingin. "Mom, if I ask you to abandoned me for the second time, would you let me?" iyon ang lumabas sa kanyang bibig.

Halatang natigilan ang ina. Maya-maya pa ay biglang sumeryoso muli ang mukha nito. "What kind of a question is that?"

Dorry prayed that her mother won't abandon her but looks likes her pray didn't answered by God when her mother spoke.

"Of course I would. Sa isang katulad mo ba naman? All you do is to bring trouble and mess to this family! Gosh, you embarrased us for having a daughter like you!" pigil ang luha niya at mapaklang natawa. "You know what? To be honest, I'm so sick to see your face everyday here in the same roof. Sana nga hindi na umalis ang pamilyang Davis para duon kana makitira sa kanila. I rather have another son instead of having a daughter who is lesbian!" padabog itong umalis sa harapan niya. "And pack your clothes with you so you could leave this instant!" pahabol na sigaw nito.

Huminga siya ng malalim saka mabilis na tinungo ang kwarto saka nag-impake. Kinuha nya lahat ng importanteng gamit niya. Kinuha rin niya ang atm card at bank account para tustusan ang panggastos niya sa pag-aaral at pangkain niya.

Then she hurriedly left the house. But before she could leave, she look back to her parents house and stared at it for the very last time. Then she left.

She promise to herself that she will never ever go back to this house. She'll bet her life to it.

"OH BUNSO, napatawag ka?"

"Kuya..."

"Wait. Where are you right now? Bakit ang dilim?"

Nakipag video call siya sa Kuya Branden niyang nasa Pilipinas. Ikinuwento niya lahat ng nangyari at tutok naman ang kuya niya sa pakikinig sa kanya. Sinabi nitong gusto nitong liparin ang pagitan ng Pilipinas at US para ipagtanggol siya ngunit napaka imposible non.

To Fight For Survival (Athlete Series #3) ON-GOINGWhere stories live. Discover now