CHAPTER 1

258 76 6
                                    

Abala ako sa pag aayos ng gitara ko ng pumasok si Glenda ang manager ko at nakabuntot sakanya si Katy ang assistant ko na ang daming dalang chocolates.
Nakabusangot ang muhka ni Glenda at nakangiti naman si Katy saken kaya naman napakunot ang noo ko habang ang mga mata ay nagtatanong.

"My gosh Phoebe! hindi kona talaga alam gagawin ko sa mga admirers mo! tambak na sa bahay ko ng sandamakmak na mga bulaklak at regalo para sayo!" Sumalampak sya sa Couch saka kinuha ang ibang chocolate na hawak ni Katy at pinakita saken. "Tapos Dyan sa lobby sinalubong kame ng tadtad na chocolates para daw sayo!"

Natawa naman ako at napailing nalang dahil sa pagrereklamo namaman nya. Naupo ako sa mahabang couch na kaharap ng inuupuan nila saka ko inilapag ang gitara ko sa gilid.

"Reklamo kapa dyan eh kayo din naman nakakaubos ng mga yan." natatawang sagot ko sakanya kaya lalong bumusangot ang muhka nya at natawa naman si Katy.

"Eh paano?" tanong nya, "Kung di namin kakainin mabubulok lang dahil di mo naman pinapansin."

"Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga yan Glenda."

"Oo na oo na! So maiba tayo Phoebe,"
Umayos sya ng pagkakaupo at may nilabas na folder at inabot saken.
"New schedule mo yan, pero syempre di mo naman kailangan kabisaduhin dahil kame din naman ang nag aasikaso tingnan mo lang para aware ka lang." Kinuha ko naman at saka binasa.

Napabuntong hininga nalang ako dahil as usual wala nanaman akong pahinga sunod sunod nanaman ang nakahelerang schedules ko. Gustong gusto ko ng mag bakasyon at mag relax yung tipong nasa isang beach resort ka at lalanghap ng sariwang hangin at wala kang ibang iisipin kundi ang mag relax, pero sa stado ng buhay ko ngayon alam kong hindi ganun kadali humanap ng oras para makapag pahinga.

Pero ginusto ko ito at pinili ko to, napaka daming nawala at nasayang dahil sa pangarap kong ito at para lang maabot ko kung nasan ako ngayon.

"Hey bebe girl, Nakikinig kaba?"

Natauhan ako dahil sa tapik sa noo ko at napaangat ng tingin kay Glenda at nakahalukipkip sya sa harap ko.

"A-ano yun? May sinasabe kaba?"

"Tsk! Lumipad nanaman ang isip mo sa kung saan, ang sinasabe ko bukas maaga ang schedule mo para sa Recording ng bago mong album kaya aalis na ako at ikaw!" Sabay turo saken, "Mag pahinga kana baka kung ano ano namaman ang isipin mo at lutang ka bukas."

"Yeah,I know. Go na matutulog na ko." tumayo ako at nag umpisang mag lakad pero napalingon din ako at tiningnan ko sila. "katy sumabay kana kay Glena para makapag pahinga kana din."

"Ay Miss Phoebe okay lang po mag lilinis lang ako dito sandali sa condo mo at uuwi na din ako."

"Ako ng bahala dyan katy, alam kong may nag aantay pa sayong anak konti lang naman ang liligpitan kaya kaya ko na yan at iuwi mo na din yang mga chocolates na yan para sa anak at mga kapatid mo." nakangiting sabi ko sakanya.

Alam ko namang pag dating sa bahay nila ay hindi pa tapos ang trabaho nya dahil sya lang ang inaasahan sakanila at may anak pa syang aalagaan.

"Naku salamat tuwang tuwa nanaman sila nito panigurado Miss Phoebe." I nodded.

Bago ako umakyat at pumasok sa kwarto ko hinubad ko lahat ng suot at dumiretso sa Bathroom.
Tumapat ako sa salamin at pinag masdan ko ang sarili ko, mahaba ang aking kulay midnight blue na buhok hanggang bewang at natural ang alon nito. Makapal na pilikmata at natural na din ang kapal ng kilay ko kaya hindi na nahihirapan ang mga make up artist na nag aayos saken. Ang mga mata ko naman ay kung sa unang tingin akala mo ay kulay Asul pero kapag tinitigan ay talagang halos puro itim ito .. Namana ko ito sa pure turkish na mga kamag anak nila Papa. Matangos ang ilong ko at may manipis na mapulang labi maputi at mamula mula kong balat halos lahat ay namana ko naman kay mama. May half spanish sila sa side nila lola at ang tangkad ko naman ay namana ko kay Papa na half Turkish at ang mga kuya ko ang halos nakuha lahat ng kay papa dahil para silang mga pinag biyak na bunga. Hindi ko na nga alam kung anong lahi ba ko dahil samut saring dugo na ang meron kame tsk.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon