CHAPTER 15

121 49 2
                                    

Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid namin at naririnig ang mga impit na kilig at mga bulungan na nag tataka kung sino at anong ginagawa ng dalawang mag kamuhkang lalake sa harap namin ngayon at mas lalo pang nadagdagan yun ng lumapit saken si kuya Primo at hinalikan ako sa pisngi saka inakbayan.

"Hey baby how's your day ? I miss you." malambing na tanong nya nakita ko naman kung paano matigilan at manlake ang mata ni Creed maging ang mga kasamahan namin lalo na sila Glenda at Katy alam kong sinasadya ito ni Kuya kaya pasimple ko syang kinurot sa tagiliran at napangiwi naman ito.

"Anong bang ginagawa mo dito kuya primo?" pasimpleng bulong ko dito.
Yumuko naman ito para bumulong at mas lalong kumunot ang noo nila Glenda.

"Payton told us na may swimsuit photoshoot ka dito sa resort kaya pumunta ako at buti nalang dahil may umaaligid pala sayo tsk." sabe nya ng nakasimangot muhka sabay sulyap kay Creed.

"Ano naman kung may photoshoot ako dito?"

"Babantayan ka namin." nakangising sagot nya na nakay Creed parin ang tingin na bakas ang pag tataka na nakatingin samen pero lumapit naman ito ng makabawi saka nag lahad ng kamay.

"Creed Sandoval pare."

"Primo Marcuz Yilmaz." tinanggap naman ni kuya ang kamay ni Creed at napansin ko ang pag ngiwi nito at sumunod naman si Kuya Payton na nasa gilid ko at nag lahad ng kamay "Payton Maxwell Yilmaz." napakunot ang noo ko ng ngumiwi ulet si Creed kaya napatingin ako sa kamay nila at pasimpleng siniko ko si kuya Payton ng mapansing ang diin ng pisil nya sa kamay ni Creed. Paniguradong ganun din ang ginawa ni kuya Primo kanina.

"Yilmaz .. if I'm not mistaken, kayo ang mga anak ni Mr Maximus Yilmaz right? And the owner of this resort."

"Yes. We are." sagot ni kuya Primo.
Nakita ko ang pagka gulat sa muhka nila Glenda at Katy pati na din sa mga kasama namin maliban kay Helios na seryosong nakatingin lang samen.

"and you are the famous Creed Sandoval the 'Heartbreaker'." Dagdag ni kuya Payton. Napangiwi naman si Creed at napakamot ng batok.

"Hindi na nga ata maiaalis sa pangalan ko yang bansag na yan."naiiling na sagot nito "anyway nice to meet you both I didn't expect na makikilala ko kayo today dito."

"May importante kase akong sinadya dito," nakangiting sagot ni kuya Primo at nilingon ako sabay kindat "bumisita na din kame para icheck ang resort."Kung sa mga taong nakakakilala samen ay hindi lalagyan ng malisya to pero sa mga taong hindi kame kilala bilang mag kakapatid ay paniguradong bibigyan nila ng malisya. Napalingon naman ako kila Glenda at nakataas ang kilay nito kaya lumapit ako at hinila sila ni Katy.

"Hmm .. Si Glendanita Rivera manager ko and si Katyleen Luna Sanchez kaibigan at Assistant ko."

"Hi beautiful ladies, Primo is the name."

"I'm Payton nice to meet you both."

"H-hello, Katy nalang." namumula at nahihiyang pakilala ni Katy napansin ko namang napatingin si Creed kay Katy.

"Naku! Glenda nalang ang bantot ng Glendanita eh." natawa naman kame. Kahit kailan talaga tong si Glenda.

"Kung okay lang sainyo Miss Glenda, gusto ko sanang makausap ang baby ko sandali." napatanga naman ulet ang mga ito at tiningnan ako ni Glenda na 'Mag chika ka saken mamaya look' saka bumaling kay kuya at ngumiti.

"S-sure may time pa naman bago sya sumalang sa shoot."

"Thank you." saka ako nito mas kinabig at inakbayan saka humarap kay Creed "Pare hiramin ko muna ang baby ko ah namiss ko eh." saka kame lumakad ramdam ko ding nakabuntot si Kuya payton na tatawa tawa sa likod namin. Bumalik kame ng Room ko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon