CHAPTER 7

136 66 7
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa tunog ng cellphone ko kaya naman kahit nakapikit ay kinapa ko ito at sinilip kung sino ang tumatawag nanlaki ang mata ko ng makitang si Papa ang tumatawag. Dali dali ko namang sinagot ito kahit medyo kinakahaban.

"Hello Pa Goodmorning!" Masiglang bati ko sakanya narinig ko naman ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya

"Princess," seryosong boses nya. Princess ang tawag nya saken simula pa noon "napanood namin ng Mama mo kahapon at gusto ng Mama mo na pumunta ka ngayon dito sa Mansion."napabuntong hininga nalang ako.

"I'm okay Pa,sabihin mo nalang kay Mama na okay lang ako."

"Utos ng Mama mo na papuntahin kita dito at alam naten pareho na ako ang lagot kapag hindi kita napapunta dito." napatawa naman ako dahil sa sinabe nya. Eto ang gusto ko kay Papa at sa mga kuya ko. Napaka halaga para sakanila ang mga salita namin ni Mama. Lalo na si Papa,Yes sersyosong tao si Papa lalo na pag dating sa Business world halos lahat ay kinatatakutan sya at ginagalang pero pag dating sameng mga anak nya at kay Mama ay makikita mo ang pagiging mapagmahal at malambing nyang pagkatao.

"But Papa may gaga-" hindi kona naituloy ang irarason ko sana ng seryosong boses ni mama ang narinig ko.

"Phoebe Maureen Cardona Yilmaz."

"M-mama."

"Aantayin ka namin before lunch and that's final."

"Okay ma mag aayos lang ako."

"That's good bunso I love you!" Napailing ako ng biglang lumambing ang boses ni Mama.

"I love you too Ma."

"Sige na at magluluto pa ako ng paborito mong ulam kausapin mo na muna Papa mo.. Honey here's your phone."

"Thanks Hon.. I told you princess, alam mo naman kapag ang mama mo na ang nag utos."

"Yeah right.I know Pa, mag aayos lang ako then punta na ko dyan miss na miss kona din naman kayo."

"We miss you too Princess..
Nakakamiss na kinakantahan mo si Papa." napangiti ako at nag init ang sulok ng mga mata ko. Ang pag kanta ang bonding naming pamilya simula pa man noong maliit kame ay kinalakihan na talaga namin ang pag kanta.

"Dont worry Pa,kakantahan kita mamaya hanggang sa mag sawa ka."

"Alright We'll wait for you love you Princess."

"Love you too Pa."

Pagkatapos kong makausap si Papa ay naligo na ko at saka bumaba. Nasa hagdan palang ako naamoy kona ang mabangong niluluto sa kusina kaya kumalam ang sikmura ko. Hindi nga pala ako nakakaen kagabe dahil tinulog ko lang.

"Goodmorning Phoebe maupo kana matatapos na ito." bati saken ni Katy nginitian ko naman sya at naupo sa mesa.

"Katy after mag breakfast pwede kana muna umuwi sunday naman ngayon dapat off mo today diba? Pupunta din ako sa pamilya ko ngayon at bukas na ko babalik." Nakangiting sabe ko.

"Okay lang Phoebe, hindi din naman ako mapapanatag na iwan ka dito kahapon kaya dito na po ako nagpalipas ng gabe."

"Salamat Katy."

"Walang ano man. Kaen kana alam kong gutom ka dahil di kana nakababa kagabe para sa dinner."

Tumango naman ako at nag simula na kameng kumaen. Nag kwentuhan din kame ng kung ano ano about din sa pamilya nya at sa anak nya. Nakilala ko si Katy noong nag sisimula palang ako hindi pa sya buntis nun at pareho pa kameng nag aaral nun. Schoolmate kame sa University. Maaga syang nag aral kaya magkakasabay lang kame kahit isang taon ang tanda namin sakanya. Ako naman ay pinag sasabay ang career at pag aaral ko advance naman ang kinuha ko noon kaya mas napaaga ang pag graduate ko at Dean's lister din ako na hindi ko din akalain dahil sobrang dami kong Schedules at hindi ko din inaasahan na talagang papatok agad ako sa masa dahil bago lang ako sa Industry nung mga panahon na yun hindi ko pwedeng pabayaan ang pag aaral ko dahil yun ang hininging pabor ng pamilya ko saken para payagan nila akong gawin ang gusto ko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon