CHAPTER 19

135 43 7
                                    

"Ilang taon ka nung pinagawa mo yang tattoo mo?" maya maya'y tanong nya. Naglalakad kame ngayon sa dalampasigan pabalik sa resort. Hindi nya kailangan ipusta ang kotse nya dahil talaga namang nasarapan ako sa kinaen namin kanina at naka dalawang order ako kaya nag lakad kame pagkatapos nun inabot na nga kame ng 5pm ng hapon sa dame pa ng nilibot namin at masasabe kong sulit ang araw na to.

"18. After my debut naisipan kong mag palagay nito."

"Couple tattoos?" Natigilan man ng sandali sinuklian ko parin ng mapait na ngiti bago tumango tumango.

"Yeah, Pero hindi ko alam kung ako nalang ba ang meron nito ngayon,"natatawang sagot ko sakanya "Hindi ko nga din alam kung baket hindi ko parin pinapatanggal to eh." sinubukan kong pasiglahin ang boses ko para hindi nya mapansin pero huminto ito sa pag lalakad at tinitigan ako ng seryoso.

"Siguro kase yan nalang tanging alaala na meron ka nung kayo pa." nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sagot nya.

"Siguro nga .." mahinang sagot ko.

"Alam kong wala ako sa posisyon para itanong to pero .. sa nakikita ko naman ay mahal mo pa sya hanggang ngayon pero baket parang pinipigilan mo?" Mapait akong ngumiti saka tumingin sa dagat kung saan kitang kita na malapit ng lumubog ang araw.
Naramdaman ko naman na tumabi sya ng bahagya sa kaliwa ko.

"Kase natatakot ako.." mahinang sabe ko.

"Saan naman?"

"natatakot akong malaman kung anong nararamdaman nya ngayon, dahil kung ikatutuwa ko man yun o hindi ay wala akong lakas ng loob para malaman pa kase natatakot akong makita ulet ang muhka nyang nasasaktan at lumuluha ng dahil nanaman saken." dumaan ang saglit na katahimikan bago ko sya narinig na mag salita.

"Hindi ko alam kung anong nangyare sa nakaraan nyo pero base sa sinabe mo, sa tingin ko ay ikaw ang nang iwan. Pero siguro naman may dahilan ka?" Alanganing tanong nya. I nodded. Nag init ang sulok ng mga mata ko sa sandaling ito ay hindi ko alam kung baket parang gusto kong umiyak kahit alam kong may makakakitang iba.

"Alam ng diyos na hindi ko ginustong iwan sya o kahit manlang saktan sya pero wala akong choice.. Alam kong para sakanya din naman yun kaya pilit kong pinapaintindi sa sarili ko na tama ang ginawa ko, limang taon at hanggang ngayon kinukumbinsi ko ang sarili ko na t-tama yung naging desisyon kong iwanan sya .. p-pero .."huminto ako saglit dahil sa pag lunok,"ako ang nang iwan pero alam mo? pakiramdam ko p-parang ako yung hindi makaahon sa nakaraan na para bang a-ako yung tunay na naiwan."hindi ko napansing humahagulgol na pala ako sa pag iyak kung hindi pa nya ko kinabig at niyakap. Kaya naman umiyak ako ng umiyak sa dibdib nya naramandaman ko naman ang pag haplos nya sa buhok ko.

ilang minuto din ang tinagal ng maramdaman kong maayos na ang pakiramdam ko, humiwalay na din ako sa pag kakayap nya saken at inayos ang itsura ko. Inabutan naman nya ako ng panyo.

"Salamat, Pasensya na din nabasa ko pa yang damit mo." nahihiyang sabi ko sakanya pero umiling lang sya at ginulo ang buhok ko.

"It's okay, no worries, atleast alam kong napagaan kahit papano ang bigat na muhkang matagal tagal mo ng tinatago." nakangiti sya ng tipid.

"Thank you .." mahinang sabe ko.

"Hindi sa nangingialam ako, pero sa tingin ko kung talagang tapos na ang lahat sainyo.. closure ang kailangan nyo. Seryosong pag uusap makakatulong siguro yun para mawala lahat ng bigat na dala mo dahil sa nakaraan nyo." Seryoso nyang sabe. Napayuko naman ako.

"Siguro nga..." halos bulong kong sagot. Dumaan ulet ang katahimikan.

Maya maya napakamot sya ng batok "Fuck shit! Hindi pa nga ako nag uumpisa pero muhkang kahit katiting na chance at space sa puso mo ay napaka labo." mahinang sabe nya kaya naman natigilan ako at napatitig sakanya.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon