Nahinto ako sa pag iyak ng may kumatok sa kwarto ko at aligaga kong niligpit ang mga album at inayos ang sarili ko "bukas yan" napatingin ako sa pinto ng pumasok si Mama at masuyo akong nginitian at tinabihan sa kama tinapik nya ang hita nya kaya naman humiga ako dun at dinama ang haplos nya sa buhok ko.
"Hindi masamang ipakita na umiiyak anak .. minsan mas nakakagaan pa yun sa pakiramdam lalo na kung iiyak ka sa taong alam mong dadamayan ka." napahikbi ako dahil sa sinabe nya at sinubsob ko ang muhka sa tyan nya.
"M-mama! hanggang kailan ko ba iiyakan ang naging desisyon ko?" Puno ng hikbing tanong ko sakanya patuloy parin ito sa pag haplos sa buhok ko.
"Alam mo anak, sa pag mamahal kase hindi pwedeng puro saya lang ang mararamdaman at mararanasan mo. Sa pag mamahal makakagawa ka ng ibat ibang desiyon merong maganda at merong hindi may pag sisisihan meron hindi. Lalong lalo na sa pag mamahal matututo kang mag sakripisyo para sa taong mahal mo lalo na kung ikabubuti naman nya yun."
"G-ginawa ko naman yun Ma para sakanya P-pero baket parang sobrang saket parin? ako naman ang nang iwan Ma, pero baket sobrang saket?"
"Sobrang saket kase mahal mo sya at alam mong hindi yun ang gusto mong gawin pero yun ang naging desisyon mo..Oo sya ang iniwan mo pero ikaw ang nang iwan kaya kailangan mong tanggapin ang pinili mong desisyon."
"Nung nakita ko sya kahapon .. Sobrang saket kase kung tingnan nya ako parang hindi nya ako kilala .. p-parang ako lang yung nasasaktan Ma parang ako lang yung h-hindi maka move on .. ako yung nang iwan pero pakiramdam ko ako talaga yung iniwan dahil hindi ako m-makaahon Ma."
"Ssssh.. wag mong sabihin yan anak hindi ka sigurado sa pinag daanan nya nung panahon na yun, hindi mo masasabing hindi sya nasaktan o nasasaktan dahil kung sino man ang makakasagot nun ay tanging sya lang anak .. kaya mo nararamdaman yan dahil mahal na mahal mo parin sya hindi ba?" Mas lalo akong napaiyak dahil sa tanong ni Mama at wala akong nagawa kundi ang tumango nalang habang iyak ng iyak.
"S-sobra Ma .. hindi naman ata nawala dahil napatunayan ko kahapon ng makita ko sya."
"Alam naba nya ang rason kung baket mo sya iniwan noon?" Natigilan ako sa tanong ni Mama. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Mama lahat ng ito dahil sya lang ang sinabihan ko ng lahat noon hindi ko sinabe kila Papa o sa mga kuya ko. Umiling ako bilang sagot "baket hindi mo sya subukang kausapin at ipaliwanag sakanya? Baka kaya di ka makaahon dahil kinikimkim mo parin hanggang ngayon." bumangon ako at marahas na umiling.
"H-hindi na kailangan Ma, alam ko naman na wala ding kakahantungan kung malaman din nya. Limang taon na ang lumipas siguradong hindi na yun m-mahalaga sakanya." hinawakan naman ni mama ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang nga luha ko at marahang ngumiti at hinalikan ako sa noo.
"Kung yan ang desisyon mo anak."
Pinahiga nya akong muli sa mga hita nya at kinantahan .. namiss ko ang ganito hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang hinahaplos nya ang buhok ko.
****
Nagising ako ng maayos na ang pagkakahiga ko at nakakumot na din ako. Tiningnan ko ang wall clock 5:30 na pala bumangon na ko at dumiretso sa bathroom ng kwarto ko at napatitig sa salamin. Namamaga nanaman ang mata ko paniguradong mahahalata nila to nag hilamos lang ako at bumaba na din dumiretso ako sa garden at naabutan ko silang nag aasikaso para sa dinner namin mamaya. Napag kasunduan kase namin kanina na dito kame sa Garden kakaen dahil mag Babarbeque kame tulad ng ginagawa namin noon."Gising na pala ang prinsesa naten."
Nakangiting sabe ni Kuya Primo at lumapit saken saka umakbay saka ako dinala sa may pool area.
"Namamaga mata mo baby .. umiyak ka nanaman ba dahil sakanya?" tanong nya saken ngumiti lang ako bilang sagot napabuntong hininga naman sya "napanood ko yung kahapon.. nagulat din ako at di ko inasahan na papasukin nya ang music industry."
BINABASA MO ANG
Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)
RomanceAfter 5 years .. Phoebe reached her dream and became a famous Singer and Model. But despite her popularity, she still can't move and forget what happened 5 years ago. Even though it was very painful and shuttered her heart into pieces, she knew that...