CHAPTER 16

130 46 0
                                    

Katatapos lang ng Photoshoot namin at sobrang pagod at saket sa katawan ang nararamadaman ko ngayon. Makapag Jacuzzi nga mamaya bago matulog.

"So baka gusto mo mag kwento?"

Nag angat ako ng tingin kay Glenda na naka pamewang at nakatingin saken samantalang si Katy naman naka upo sa couch na nasa harap ko ay tutok din ang tingin saken na akala mo batang sabik na makarinig ng kwento.

"May ikukwento ba ko?"
Takang tanong ko naman dito pero inirapan lang ako nito at naupo katabi ni Katy.

"Wag mokong daanan sa ganyan bebe girl! In 5 years ako at si Katy lang ang lagi mong kasama then kailan lang may biglang CREED na lumitaw at ngayon close-close na TAPOS kanina may BABY PRIMO YILMAZ ka pala?!" Natawa naman ako dahil para syang pinag taksilan kung makapag react.

"Oo nga Phoebe! May Payton Yilmaz pa grabe napapalibutan ka ng mga Diyos!" Napangiwi naman ako sa sinabe ni Katy.

"Wala yun." simpleng sagot ko na kinabusangot ng muhka nila pareho.

"Wala yun? Sus,Baka naman sa susunod eh mabalitaan ko nalang na umaaligid na din si HELIOS sayo."
Napaiwas ako ng tingin at tumayo saka nag unat at umaktong inaantok na.

"Inaantok na ko akyat na ko ha?Goodnight girls!"hindi na ko nakipag beso deretsong pumasok na sa kwarto ko saka tingungo kung nasan ang Jacuzzi tub hinubad ko lahat ng suot saka nilubog ang katawan sa tubig saka ko sinandal ang ulo at magkabilang braso sa tub kaya naman tangging kita ay cleavage ko. Muling pumasok sa isip ko ang nangyare kanina. Napahawak ako sa sintido dahil naguguluhan ako kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa kinikilos nya.

Una ay ang pag punta nya sa Room ko at bigla nalang nya kong hinalikan kagabe at ang sinabe nya bago lumabas tapos ang matatalim nyang mga mata sa tuwing may ibang lalapit saken. Ganun na ganun sya nung kami pa sa tuwing may lalapit saken na lalake bukod sa pamilya ko at sakanya... pero baket?

"Masyado mong ginugulo ang isip ko Helios."Wala sa sariling bulong ko habang nakapikit ang mga mata.

****
"Anong sayo Miss Asul?" Tanong saken ni Creed nandito kame ngayon sa Restaurant ng resort kasama ko sya ngayon mag dinner. Pumunta sya kanina kung nasan ang Room ko at inaya akong mag dinner pumayag naman ako dahil wala akong makakasabay may inaasikaso si Glenda at Katy kanina and tutal panatag na din naman ang loob ko na kasama sya.

"Vegetable salad nalang." nakangiti kong sagot tinaasan naman ako nya ko ng kilay halatang nagulat sa sagot ko.

"Yun lang? Dinner ngayon ah." I nodded.

"Oo yun lang may photoshoot pa ko bukas remember?" Tumango naman ito saka sinabe sa waiter ang order namin.

"Hirap maging model pati pagkaen mo limitado buti hindi ka nahihirapan?" Nakangiwi nyang tanong.

"Wala eh kinasanayan ko nalang talaga saka hindi naman palagi,Kapag beach or pool lang ang theme ng photoshoot strikto si Glenda sa diet ko pero pag hindi naman okay naman kahit anong kainin ko pero kahit papano may limit parin." mahabang paliwanag ko.

"Yeah. May mga kilala din akong models and laging diet ang problema nila."

"Kilala or ka fling?" Nakangising tanong ko.

"Jealous?" Nakangising tanong nito inirapan ko naman.

"In your dreams Mr Heartbreaker."

"Ouch!" Humawak sya sa dibdib at Umaktong nasaktan kaya natawa naman ako natigil lang kame ng dumating ang order namin. May panaka naka ding flash ng camera na binaliwala ko lang dahil sanay naman na ko.

"Hindi kaba naiilang na may paparazzi na laging nakabuntot sayo?" Tanong nya.

"Naiilang, pero hindi maiiwasan lalo na sa industry na pinasok ko." Kibit balikat na sagot ko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon