CHAPTER 22

124 41 3
                                    

Parang may dumaang anghel sa loob ng studio dahil sa sobrang katahimikan pagkatapos kong kumanta at tanging pag hikbi ko lang ang maririnig wala ding humpay ang pag agos ng mga luha ko kaya nanatili akong nakayuko habang umiiyak. Sa limang taon ko sa Music industry ngayon lang nangyare ang ganito. Kilala ako ng lahat na masayahin at muhkang walang problemang dinadala pero pag ako nalang mag isa ay palagi akong umiiyak sa kama kaya ako umiinom ng gamot na yun para makatulong saken.

"Phoebe .. come on. Tara na sa backstage." namalayan ko nalang na nasa tabi kona si Glenda at inaalalayan ako dahil sobrang hinang hina ako dahil bukod sa kakaiyak lalong sumama ang pakiramdam ko at parang pagod na pagod ako. "My god Phoebe sobrang inet mo at nanginginig kana!" Pero hindi ko na sya naintindihan dahil bigla nalang nandilim ang paningin ko basta ang alam ko lang ay nasalo ako nito.

***
"Is she okay doc?"

"Over fatigue ang anak nyo Mr Yilmaz kaya sya nawalan ng malay at mataas ang lagnat sa tingin ko ay emotionally drained din sya at muhka aware sya dun."

"What do you mean by she's aware of that doc?"

"Mas mabuti siguro kung sa office ko tayo mag uusap Mr Yilmaz."

"Oh, alright."

Nagising ako dahil sa mga boses na niririnig kong nag uusap kaya naman minulat ko ang mata ko bumungad saken ang puro puting kisame May dextrose din na naka kabet saken

"Phoebe anak! Mabuti naman at gising kana pinag alala mo kame ng Papa mo at mga kuya mo." bungad saken ni Mama na nakaupo sa gilid ko at masuyong hinahaplos ang buhok ko. Kahit nanghihina ay pinilit kong maupo inalalayan naman din ako ni Mama.

"Anong nangyare Ma? Si Glenda at Katy nasan? I mean yung manager at Assistant ko."

"Nasa labas sila may kausap lang sa phone ang manager mo, yung Katy naman ay bumile ng makakaen mo ang Papa mo naman kausap ng doctor at Nandyan din ang kuya Primo at kuya Payton mo sa labas inasikaso nila security ng hospital dahil may mga reporters na gustong mag interview sayo and para na din hindi lumabas sa public na kasama mo kame," mahabang sagot nya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko. "Nandito na si Mama.. may gusto ka bang sabihin?" Yumuko ako dahil nag iinit nanaman ang sulok ng mga mata ko.

"M-may iba na sya Ma.. Pero kailangan kong t-tanggapin na binuksan na nya ang puso nya para sa iba.. Ma, gustong ko nang lumayo.. gusto kong tumakas sa saket na to Ma.. hindi ko alam kung baket patuloy akong nasasaktan kahit limang taon naman na ang nakalipas."umiiyak na sagot ko sakanya hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

"Tumingin ka saken anak.. alam kong masaket alam kong mahirap, pero kase anak hindi mawawala ang saket na yan kung patuloy mong kikimkimin.. nag hiwalay kayo ng hindi maayos at punong puno ng tanong sa sarili at sa isa't isa na hanggang ngayon ay hindi nyo parin nahahanapan ng kasagutan. Kaya hindi nawawala ang saket dito anak."marahan nyang tinuro ang dibdib ko kung saan nandun ang puso ko.

"H-hindi ko alam kung anong gagawin ko Ma."

"Baket hindi mo subukang kausapin sya at sabihin sakanya lahat ng gusto mong sabihin at itanong ang mga gusto mong tanong."

"N-natatakot ako .. natatakot ako sa sasabihin at isasagot nya saken."umiiling na sagot ko sakanya kaya niyakap nya ko.

"Kung ano man ang sabihin at isagot nya sayo, Kailangan mong tanggapin anak. Dahil unang una. Nasaktan at iniwan mo sya."

Makalipas ang ilang minuto ng bumukas ang pinto at pumasok si Glenda at Katy parehong nakahinga ng maluwag ng makita ako saka lumapit samen bahagya din silang yumuko kay Mama "Goodmorning po Mrs Yilmaz pasensya na hindi ko kayo naasikaso kanina, kausap ko po kase ang Management." nginitian naman ito ni Mama.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon