CHAPTER 43

126 42 1
                                    

Napahawak ako sa bibig ko ng mag umpisa akong humikbi at umiyak.
'Oh my god! I'm pregnant!'
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwang ang halo halong emosyon na nararamdaman ko! Pero isa lang ang pinaka nangunguna .. yun ang sobrang saya ko!

"Bebe girl? Baket ka umiiyak? Lumabas kana nga dyan nag aalala na kame sayo." Nanginginig at dahan dahan kong binuksan ang pinto habang umiiyak.
Parehong bakas ang pag aalala sakanila at nag tatanong ang mga mata. Umiiyak akong ngumiti ng malapad at tumango.

"I'm pregnant!"

"Sabe na nga ba eh, congratulations Phoebe." nakangiting bati ni Katy saka ako niyakap. Pareho kameng napatingin at pareho din kameng natawa kay Glenda dahil pati sya umiiyak habang nakatingin saken.

"Oh my god bebe girl Congratulations! May pamangkin na ko ulet bukod kay Baby Kurt!" Niyakap nya din ako habang umiiyak Kaya pati ako ay lalong naiyak.

"Tara na? magpa check up kana Phoebe para malaman naten if healthy kayo ni Baby mo." Nakangiting sabe ni Katy. Excited akong tumango at inayos ang sarili ko.

"CONGRATULATIONS you are 7 weeks and 5 days pregnant Ms Phoebe." Nakangiting bati saken ni Mrs Gonzaga sya ang OB na nag consult saken. Hawak nito ang papel ng test result na ginawa saken kanina para malaman kung talagang buntis ako.Nagkatinginan kameng tatlo bakas sa mga muhka namin ang sobrang saya. Nabaling ang tingin namin kay Doctora ng magsalita sya.

"Gusto mo bang makita at marinig ang heartbeat ng baby mo?" Nakangiting tanong nya. Parang batang sunod sunod akong tumango saka tumingin sa dalawa. Nakangiti din sila at excited lalo na si Glenda na nag thumbs up pa.

Pinahiga ako ni Doc sa patient bed. Bahagya nyang tinaas ang suot kong blouse saka nya nilapat ang bagay na hawak nagulat pa ko dahil sa lamig nun. Nakatutok kameng lahat sa monitor medyo magulo pa kaya lahat kame inaanig ang pwedeng makita. Maya maya kusang tumulo ang luha ko ng makarinig ng munting heartbeats Nagkatinginan kameng tatlo kahit silang dalawa ay naluluha din sa saya.
Paano pa kaya kung si Helios ang kasama ko? Napangiti ako nang mainagine ko ang reaksyon nya.

"Oh! Wait .." kinabahan ako ng mag react si Doctora habang nakatingin sa monitor na parang may pilit na tinitingnan.

"Why? Is there something wrong about my baby? Okay lang ba sya doc? May problema ba?" Natatarantang kong tanong maging sila Katy at Glenda ay nag aalala din habang inaatay ang sagot nito pero nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti sya ng malapad saka tinuro ang monitor.

"Akala ko nagkakamali lang ako ng dinig sa heartbeats kaya pilit kong hinanap sa monitor ang rason.. see that? That's your twins.. since mag 8 weeks na sila in 3 days visible na ang wrist, elbow and knee joints. All in all your babies finally look like a miniature human being and they're both healthy." Nakangiting sabe nya.

Umawang ang bibig ko at sunod sunod na tumulo ang luha ng makita ko sa monitor ang mga baby ko.

"Oh my God .. my babies .. oh God."
Nakangiti ako habang umiiyak dahil sa sobrang saya at hindi makapaniwalang kambal ang magiging panganay namin ni Helios.

"Bebe girl congratulations! My gosh ang galing ni Helios! Kambal agad."
Natawa kame sa sinabe ni Glenda.

"Phoebe congrats and welcome to motherhood." lalo akong napaiyak sa sinabe ni Katy nakangiti akong tumango halos hindi ko alam kung kaya ko pang mag salita dahil sa sobrang saya ko. Napatingin ulet ako sa monitor. Our babies.

"WHAT?!" Kunot noong asik ni Glenda. "Hindi mo pa sasabihin kay Helios? Baka mabaliw na yun sa pag aalala sayo nyan lalo na't sabe ni Doctora mas magiging malala pa ang morning sickness mo dahil kambal yan."

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon