CHAPTER 42

110 43 8
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula nung mangyare ang Live interview at sa loob ng isang buwan na yon ang dameng nagbago. Yung akala namin na madaming magagalet at huhusga naging kabaliktaran ng kinalabasan dahil sobra sobrang suporta ang natanggap namin. Ang karamihan ay sobrang humanga sa kwento namin kaya nagkaron pa kame ng mga supporters. Kahit na wala na sa industry si Helios ay may mga fans parin talaga sya na nanatili. Meron pa ngang mga pumilit at sinubukan syang pabalikin pero buo na talaga ang desisyon nya. Saka mas nag focus sya sa pag mamanage ng mga negosyo ng pamilya nila at pagiging CEO sa company.

Pareho kameng naging mas busy sa trabaho pero hindi yun naging handlang sa pag sasama naming dalawa. Mas naging sobrang sweet at masaya ang relasyon namin. Kapag busy ako sa photoshoot pupuntahan nya ko mismo dun para dalhan ng pagkaen hindi sya umaalis hanggat hindi ko nauubos ang dinala nya. Kapag naman sya ang busy at ako ang may free time ganun din ang ginagawa ko. Nag pupunta ako sa office nya sa company para dalhan sya ng pagkaen, madalas din sya dito sa Condo ko umuuwi. Minsan isang linggo sya dito kung manatili at halos ayaw ng umuwi kahit naman gustohin ko din ay hindi pwede dahil malayo layo dito ang Company nila kaya mapapagod sya papasok at pauwi kahit na may kotse sya. Madalas kase ay late na syang umuuwi lalo na kapag madaming Papers and contract ang kailangang pirmahan then maaga syang papasok dahil gusto nyang matuto ang mga employees nya. Hindi pwede sakanya na mauuna pa syang pumasok kesa sa mga ito.

"Love, sigurado kabang kaya mong pumasok? Pwede ko naman tawagan si Glenda para wag kana munang mag photoshoot today. Kada pupunta nalang ako dito masama ang pakiramdam mo at sumusuka ka every morning! Come on, I'll bring you to the hospital I'm fucking worried!"

Bakas sa muhka at boses nya ang pag aalala pero nginitian ko lang sya saka niyakap. Nag umpisa nanaman akong amuyin ang leeg nya. Hindi ko na din talaga maintindihan ang sarili ko, lagi kong hinahanap ang amoy nya naiiyak din ako kapag hindi ko sya naamoy kaya nag iiwan sya ng tshirt na hindi nilabhan para saken.

"No need .. I'm fine. Papasok ako Love siguro kase panay ang kaen ko sa studio kaya kapag umaga sinusuka ko napapadame kase ang kaen ko lagi."inalis nya ang muhka ko sa leeg nya saka hinawakan ang dalawang pisngi ko bakas parin ang pagaalala nya.

"Ano bang kaseng pinagkakakaen mo?
Tatlong araw na kitang naabutan na sumusuka sa umaga and look at you! Ang putla mo!" Inalis ko ang kamay nya sa pisngi saka nag lakad papunta sa ref at kumuha ng cake saka nilantakan ang Icing. Yes, Icing lang talaga ang bet kong kainin palagi na hindi ko maintindihan kung baket.

"Helios I swear I'm okay, sa pagod at puyat lang to. Sige na, anong oras na oh? Late kana sa meeting ng investors nyo."lumapit ako sakanya saka sya hinalikan sa labi. Pinulupot naman nya ang dalawang braso sa bewang ko.

"Fine! Pero tatawagan ko parin si Glenda at mag rerequest ako ng isang linggong pahinga mo. No Buts!"
Napanguso nalang ako dahil alam ko namang hindi kona mababago ang desisyon nya sa sama ng tingin nya saken. Kaya tumango nalang din ako.
Hinalikan nya ko sa ulo saka niyakap.
"Good. Tamang tama lang din dahil balak ko talagang ayain ka for a short vacation." Nanlake naman angmga mata ko at abot tenga ang ngiti.

"Really?! Yes! I love you Love!"
Pinugpog ko sya ng halik sa buong muhka na kina tawa nya.

"Sige na aalis na ko, tawagan moko kapag sumama nanaman ang pakiramdam mo ha? I love you." I nodded. Saka sya hinatid sa pinto.

Napahinga ako ng malalim saka sinara ang pinto. Sa totoo lang maging ako ay kinakabahan na din kung anong nangyayare saken dahil panay ang suka ko kada umaga madalas din masama ang pakiramdam ko at nahihilo kaya mas gusto kong matulog kahit nga sa Studio ay nakakatulog ako bigla. Last month hindi naman ako ganito masyado pero sobrang antukin ako kung san ako datnan ng antok nakakatulog talaga ko at kung ano anong hinahanap na pagkaen pero nitong nagdaang mga linggo parang mas lumala dahil nga sa pag susuka at paminsang hihilo.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon