CHAPTER 12

118 54 0
                                    

"Kung may anak na lalaki si Mr Yilmaz naku po! Handang handa na kong akitin sya." Dahil sa sinabeng yun ni Glenda hindi ko napigilan ang tawa ko na napahawak pa sa tyan kaya naman napapastikuhang tiningnan nila ko.

"Anu tere? Ganun ako kapanget? Bawal mag mangarap?" Nakabusangot na sabe nya umiling naman ako.

"S-sorry natawa lang ako kase naman hindi ka pa nga nag kaka boyfriend pero handa ka ng mang akit." lalong sumama ang muhka nya.

"Oo nga Ate Glenda, baket ba wala ka paring jowa eh ang ganda at sexy mo naman." Takang tanong Katy, ate ang tawag nya dito kapag kame kame lang dahil sya pinaka bata samen pag dati g sa work Miss Glenda na.

"Ayy bet ko yang Ganda at sexy Katy ah!" Nag apir naman ang dalawa, "pero ewan ko ba hindi ko din alam siguro kase choosy ako?" Natatawang sagot nya.

"Kase naman masyadong perpekto ang standard na gusto mo sa isang lalake." Sabe ko.

"Baket, ano bang ideal guy mo ate?"Ngumuso naman sya sa tanong ni Katy at nag iwas ng tingin.

"A-ano .. yung gentleman, mabait, sweet, caring at lalong lalo na magalang sa babaeng tulad ko."

"Ay may kilala ako Ate Glenda."

"Talaga?!" Napaharap sya bigla kay Katy na may nag niningning na mata.

"Oo! Yung kapit bahay namin matandang binata na yu--aray naman!" Hindi na natapos ni Katy ang sinasabe nya ng pabiro syang hampasin ni Glenda ako naman tawa ng tawa sa dalawa.

"Grabe naman sa matandang binata Katy! Ihatechue." nakangusong sabe nya.

"Hehe joke lang naman."

"Alam mo Glenda, sa panahon ngayon iilan nalang ang ganyang lalake kaya kung mag aantay ka ng mag aantay baka tumanda kang dalaga at malala pa alam mo kung ano?" Sabe ko.

"Ano?" Takang tanong nya.

"Tatanda kang Virgin." Nakangising sagot ko. Nanlake naman ang mata ni Katy.

"Hey! Bebe girl bibig mo!" Namumulang saway nito saken na kinatawa namin ni Katy "kung magsalita ka dyan kala mo naman May experience na sya.." napahinto naman sya at nang huhusgang tumingin saken na may ngisi sa labi kaya napataas ang kilay ko.
"Wait ! Dont tell me hindi kana Vi-ouch bebe girl ah!" Hinampas ko sya ng mahina sa braso pero tinawanan lang ako.

"A-anong hindi Virgin? Virgin pa ko no!" namumulang sagot ko saka nag iwas ng tingin. Sa 2 years naman kase namin ni Helios hindi pa namin yun ginawa make out lang kame pero hindi ko naman tinatangging nahawakan na nito ang hinaharap ko at pagkababae ko dahil sa pag mamake out namin pero hindi pa kame humantong sa home run.

"Oh tapos kung mang asar ka? Edi dama mo." Pabiro kong Inirapan nalang sya.

****

Tutok ako sa laptop ng makarinig ako ng buzzer kaya nag suot ako ng roba para pag buksan. Bumungad saken si Katy na malapad ang ngiti at naka one piece swimsuit at maong short saka pinatungan ng white see through.

"Phoebe labas daw tayo sabe ni Ate Glenda, mag ikot ikot daw tayo kase bukas wala na tayong time." excited na yaya saken ni Katy kaya tumango naman ako.

"Sige mag bihis lang ako,"
Nag suot lang ako ng isang pares ng black tube two piece tinernohan ko ng faded maong shorts, pinatungan ko din ng see-through white cover up ang sarili ko na abot hanggang baba ng tuhod ko at tinernohan ko ng black flip flops at sa muhka naman ay hindi na ako nag abalang mag lagay ng kung ano nag powder lang ako dahil natural naman ng mamula mula ang pisngi ko at mapula ang lips ko tinali ko naman sa messy bun ang buhok ko ng makuntento ay lumabas na ko, "Tara na." yaya ko sakanila

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon