CHAPTER 40

124 41 3
                                    

"A-anong ginagawa naten dito?!"
Gulat na tanong ko sa dalawa habang nakangangang nakatingin sa labas ng bintana. Nandito kame ngayon sa parking ng building kung saan ang studio ng pag iinterviewhan ni Trisha at Helios. Diyos ko! Hindi ako pwede dito dahil andito ang mga fans ng dalawa at baka makagulo pa ang presensya ko lalo na't naka Live!

"Huy! Ano ba? Nababaliw naba kayong dalawa? Alam nyo namang bawal ako dito! Nandito ang mga fans nilang dalawa gusto nyo bang dumugin tayo?!" Hysterical kong tanong sakanila pero bumaba lang silang dalawa saka binuksan ang pinto ng backseat kung nasan ako saka hinila palabas.

"Tara na dali. Manonood lang naman tayo walang masama dun." napanganga ako sa sagot ni Glenda. Hindi ako makapaniwala dahil kung normal sya.. hindi nya ako palalabasin ng condo ko tulad ng lagi nyang ginagawa.

"Oo nga. Gusto ko din manood at makita ang reaksyon ng mga toxic fans nila." Sang ayon naman ni Katy. nagpalipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa habang hila nila ko sa tig isang braso.

"Oh my god! Tara na umuwi na tayo please!" Pero hindi nila ako pinakinggan nilagyan ako ni Glenda ng cap habang papasok kame ng entrance ng Studio. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao habang mga nakatingin sa stage kung nasan ang host at dalawang taong iniidolo nila.

Pero mas kinagulat ko ng makitang sa kabilang side ay ang mga fans ko may mga banners pa sila.

Baket sila nandito ? Interview to nila Trisha at Helios ah?

Pero halos panlamigan ako dahil sa mismong likod at gitna pa kame ng mga tao naupo na para bang talagang sinadya kameng dito paupuin dahil may tatlong upuan. Pinag gitnaan ako nila Glenda at Katy.

"Ano ba? Tara na umalis na tayo baka may makakita saken." mahina at kinakabahang sabe ko sakanila pero hindi nila ko pinapansin at tutok lang sa harap. Kaya kahit kinakabahan ay nanood nalang din ako.

"So balita ko meron kayong mahalagang announcement sa lahat kaya kayo nag pa Live interview?" Nakangiting tanong ng Host sakanila. Nagkatinginan naman ang dalawa saka ngumiti at tumango.
Nag hiyawan naman ang mga fans ng dalawa na para bang kinikilig sa sasabihin nila.

"Naku muhkang excited ang mga fans ng TRISHEL sa sasabihin nyo.. sige na nga umpisahan na naten." tinanguhan ng host ang dalawa para mag salita.

"Hi everyone! Hindi namin ineexpect na pupunta kayo agad to think na kahapon lang naman namin pinaalam na may Live interview kame today.. but anyway, siguro mas okay na din ang nandito kayo especially sa mga Fans ko." simula ni Trisha nag hiyawan ulet ang mga fans nya.

"Thank you for coming here today.. Trisha's right, mas mabuting nandito kayo ngayon para marinig ang sasabihin namin." seryosong sagot ni Helios.

"Sa mga fans ko, gusto ko sanang umpisahang mag pasalamat sainyo dahil sa loob ng 8 years ko sa industry nanatili kayong loyal saken. Hindi nyo ako iniwanan at pinag tatanggol palagi sa mga fake news na lumalabas.
Kung hindi dahil sainyo hindi ko na din siguro kakayaning tumagal ng ganito sa industry dahil alam nyo naman kung gaano kahirap at Toxic ang mundong ginagalawan namin. Meron kameng image na kailangang ingatan, pangalan na kailangang ingatan .. dahil alam namin na bawat kilos at gagawin namin nababalitaan nyo kagad kahit hindi man namin gusto o gusto namin to the point na wala na kameng choice kundi ang mag sinungaling sa mga tao para maprotektahan ang mga bagay o tao na gusto naming proteksyonan." Tahimik lang ang buong studio habang nakikinig kay Trisha na may tipid na ngiti.

"Sa mga fans namin ni Helios, maraming salamat sainyo dahil unang araw palang ay buong puso nyo nang tinanggap ang pagiging mag Partner namin and we really appreciate that. Nakakataba ng puso kaya nag patuloy kame sa pag gawa ng kanta and projects na magkasama pero hindi lang naman dahil sa Public demand, kundi dahil natutuwa at kusa naming ginagawa ang mga yon para sainyong lahat pero kase may mga bagay na hanggang doon lang talaga.." kita ko ang kislap ng kalungkutan sa mga mata nya at hindi ko alam kung pati ang iba ay napansin yun.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon