ⓤⓝⓔⓓⓘⓣⓔⓓ
Calithea's POV
Nakatingin lang ako sa Heiress habang hawak ko ang kutsilyo sa kamay ko.
Kailangan ko siyang patayin pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil siya ang master ko. Pero malaki ang kapalit ng buhay ng heiress kung hindi niya mahahanap ang descendants ng naunang chosen.
Isa pa sa nalaman ko tungkol sa tatoo, maguumpisa lang ang tungkulin ng chosen kapag alam na niya ang kanyang misyon tungkol sa paghahanap ng mga descendants.
Pero gagawin ko to. Kailangan kong gawin. Paalam Heiress......paalam master.
Itinaas ko ang hawak kong patalim at tinutuk iyon sa puso ni Master.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.
"Wala ka bang tiwala sa master mo, Calithea?"
Napako ako sa kinalalagyan ko dahilan para hindi ko masaksak ang Heiress.
Ang boses na yun.....
Nabitawan ko ang hawak kong patalim at hindi ko mapigilang umiyak.
Mali yung ginawa ko. Muntik ko nang patayin ang Heiress. Ang master ko.
"Patawarin mo ko kuya Hendrix. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Marami ang mamamatay pag hindi niya nagawa ang misyon" patuloy lang ako sa pag hagulgol. Lumapit sakin si Kuya Hendrix at hinimas ang likuran ko.
"Wala kang kasalanan. Alam natin pareho kung bakit naisip mong gawin yun" pilit niya akong pinapatahan.
Kung hindi ko magagawa yun, marami pa ang magtatangka sa buhay ni master kapag nalaman nilang isa siyang chosen. Hindi gusto ng mga Dimitrian na may mabuhay na isang chosen sa Dimitri dahil sa isang rason. Yun ay ang kamatayan ng mga Dimitrians.
Dahil ilang beses nang nagkaroon ng chosen sa Dimitri pero ni isa sa kanila, hindi nagtagumpay sa paghahanap ng mga descendants. Kailangan lang makahanap ng chosen ng lima sa mga ito upang maisagawa ang seremonyas. Lahat ng chosen ay nabigo sa kanilang misyon at lahat rin sakanila ay nagdulot ng kamatayan sa Dimitri.
Kapag hindi nagawa ng isang chosen ang kanyang misyon, papatay siya ng mga Dimitrian bilang kapalit sa mga descendant na hindi niya nahanap.
Hindi ko rin masisi ang sarili ko kung bakit ko naisip gawin yun. Ayoko na! Ayoko nang makita ng mga patay na dimirian.
"May paraan pa para pigilan ang pagiging chosen niya" napatingin ako kay kuya Hendrix dahil sa sinabi niya. Hindi niya pwedeng gawin yung iniisip niya. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon pag nangi alam siya sa mangyayari.
"Yun lang ang tanging paraan, Calithea. Mamili ka. Buhay ng master mo o ang kapangyarihan niya."
Kung mawawala ang kapangyarihan ni master, mawawalan na rin ng saysay ang pagiging chosen niya dahil para na rin siyang ordin pag nagkataon.
"Hindi lang siya chosen kuya. Siya rin ang Heiress kaya hindi pwedeng gawin yun" giit ko.
"Kung ganun, kailangang walang maka alam tungkol sa bagay na to. Maliban sating dalawa. Kahit sa kuya mo."
"Opo kuya Hendrix"
Hendrix POV
Katabi ko parin ngayon si Calithea. Hindi siya tumitigil sa kakaiyak at sinisisi niya ang sarili niya sa mga nangyayari ngayon. Sa totoo lang, walang kinalaman si Calithea sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam bakit niya naiisip ang mga bagay bagay na siya ang may kasalanan nito.
BINABASA MO ANG
MYSTERY GUY
FantasyZrxyvelle Airathena Collins, isang babae na sikat sa kanilang school. Isang ordinaryong estudyanteng na nag aaral sa Nixon Academy pero paano kung may isang lalaking galing sa ibang dimension ang manghimasok sa buhay niya? Will she live her normal...