Whirlpool of doubts

66 1 0
                                    

ⓤⓝⓔⓓⓘⓣⓔⓓ

Guyth…..maglalagay po ako ng POV nina Rhei and Rylee. Kung hindi niyo po natatandaan, sila po yung kontrabida sa unang chaps. Bumalik po muna tayo sa mundo ng mga ordin. Wag po kayong malito dahil ang time frame sa dalawang mundo ay magkaiba ^_^. Tungkol lang po ta sa mga taong nasa labas ng Dimitri. Next chap po eh yung continuation ng Her Vangeance.

Rylee’s POV

“ Oh, Kamusta?” bungad sakin ni Rhei habang busy sa pagkakalikot ng kung ano ano sa phone niya. Kakarating ko lang sa school at hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko dahil marami yata ang nangyari ngayon sa buhay ko na hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.

Isa pa, naiinis ako kapag nakikita ko Airathena. Lalong lalo na nung hindi nagtagumpay ang plano naming ni Rhei para sakanya kahapo. Tss…dahil sa mga wala kong kwentang utusan. Isa sa pinakapinoproblema ko ngayon ay kung paano sasabihin kay Rhei ang lahat ng katotohanan na matagal ko nang nililihim sa kanya.

“Rhei, I’m not ok. And I have something really important to tell you.” hindi niya ako pinansin at busy parin siya habang pinagtutuunan ng pansin ang phone niya. Tsk. Kita nang nagsasalita ako eh! Hindi manlang siya nakikinig. -_-! Itapon ko kaya yang phone niya?

“Rhei, I’m not a normal person….I—“ naputol ang sasabihin ko sana dahil tumayo nalang siya bigla at hinawakan ako sa balikat.

Niyuyugyog lang naman niya ako!-_-

Siya ang sisisihin ko kung maalog man ang utak ko at tuluyan na nga akong hindi makapag isip ng paraan kung paano susulusyunan tong problema ko.

Sa inakto niya, mukha namang gets niya ang sinabi ko diba? Maybe, nagulat lang siya kaya kaya ganyan ang reaction niya. Sabihin niyo nga sakin, yung totoo, nagets naman nya diba?

Tinigil na niya ang pagyugyog sakin pero tumingin siya sa mga mata ko. “Hindi ka normal na tao?” tanong niya na siyang ikinatango ko naman.

“ Ibig bang sabihin niyan…….” ayan na….sasabihin na niya….

“……..”

Ayan na talaga…

“……..”

Ayan na ayan na talaga >_

“.

.

.

.

.

ABNORMAL KA???!!!!”

Pak!!

Binatukan ko lang naman siya. Ang tanga talaga nito! Pag hindi normal abnormal na kaagad! Abah! Sipain ko to papuntang Pluto eh. Sisigaw sigaw pa siya sa mukha ko tapos yung lang sasabihin niya? Abnormal ako?

“Gaga! Mas mukha ka pang abnormal kesa sakin noh! At hindi yun ang ibig kong sabihin!”

Binitaiwan na niya ang balikat ko at bumalik sa pwesto niya kanina at bumalik sa pagkalikot ng phone niya. Ano ba talagang meron dyan sa phone niyang yan?

“Alam ko, Rylee” bigla nalang nagging seryoso ang mukha niya at nagging cold ang boses niya. “Hindi mo na kailangang sabihin dahil matagal ko nang alam” hinarap niya ako at marahang ngumiti sakin at maya maya pa ay bumalik na ulit ang tingin niya sa phone niya.

You see, Rhei ang I are not THAT bad. Hindi rin kasi naming maiwasan ang inggit. Lalo na kay Thena. Si Thena maganda, matalino, mabait. Si Thena ganito. Si Thena ganyan. Halos lahat nalang ng estudyante siya ang bukambibig. Pati nga rin ang ibang mga teachers eh proud sakanya. Eh kami? Panira, maldita, mean girls, pasosyal. Matalino naman kami eh. Kaso nung dumating si Thena, yun ang nagging dahilan para hindi ami mapansin sa school.

MYSTERY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon