NECKLACE

209 17 0
                                    

Long UD for today. Kung may typos po, pasensya na tamad si author mag check.

Read and Enjoy!!!!!!

★★★★★★★★

Thena's POV

Uwian na namin ngayon at kasama ko naman si Chale. Kinakantyawan ko nga kanina eh! Kasi nung dumating si Claireen na sense ko na parang balisa siya at nauutal. Yung expression niya =____= tapos nung dumating si Claireen naging ganito ^/////////////^... Whahahahahaha. Nag b- blush ang loko.

"Huy! Crush mo pala si Claireen ah"tukso ko sa kanya. Ayan na, nag b- blush na naman siya.Uuuuuuyyyyyy.....

"A - ano ba! H -hindi ah! May b - bo - boyfriend na yung tao" he answered shyly. Di daw.

"Saan ka nakatira?"tanong ko sa kanya

It took him a long time before he answered me." Wala akong bahay na matitirhan."and when he said that, I eyed him. Seriously? Saan siya titira ngayon?

Oh! I have an idea. Hindi naman siguro yun masama diba. I took my phone and called someone.

Ilang sandali pa ay dumating na ang hinihintay ko.

"Mr.Cruz, sa bahay po tayo."

"Yes maam! "

Hinila ko kaagad si Chale papasok sa kotse.Nang makarating kami sa bahay sinalubong naman ako kaagad ni mommy ng yakap na parang gusto na niya akong patayin.

"Anak! I miss you talaga!"sabi sakin ni mommy ng bitawan niya ako." Mom, may bisita" I whispered to her and make sure na hindi yun narinig ni Chale. Nakakahiya kaya.

Tumingin naman agad si mom sa likuran and there she found a tall good- looking man dressed in our school uniform.

"Oh! Sino naman tong gwapong nilalang nato?"she whipered back.

"Mom, si Chale classmate ko. Chale, mom ko"

"Nice to meet you po ma' am" sabi niya at nag bow.

"No iho, don't call me ma'am, tita nalang" mom said with a smile." So, bakit kayo nandito?"

"Ah...mom, wala po kasi siyang matitirhan. Transferee student po kasi siya.Pwede po bang dito nalang muna tumira?"

Tsss. Hindi ko nga alam bakit ko tinutulungan ang lalaking to eh. Magaan kasi yung pakiramdam ko sa kanya at siyempre gusto ko rin magkaroon ng kuya.

"Sure! Dun mo nalang siya patulugin sa guest room. Iho, nasaan nga pala ang mga gamit mo? "

"Po? Wala po."

Ano?! Wala siyang gamit? Paano na ang mga damit niya? Hay....mababaliw na talaga ako sa lalaking to.

"It's okay. Thena, samahan mo nalang siya bukas sa mall tutal sabado naman bukas" baling naman sakin ni mom. Wala naman akong magagawa diba?!

Nag ok nalang ako at sinamahan ko nang umakyat si Chale papuntang guest room na pansamantalang tutuluyan niya. Iniwan ko naman siya don at dumersto na ako sa kwarto ko at naligo. Nang matapos na akong magbihis ay tinawag na kami ni mom na kumain.

Nang makababa na ako ay nakita ko naman si mom at Chale na nag uusap. Suot ni Chale ang damit ni Mr. Cruz dahil wala pa syang damit. Bagay nga sakanya.Ano kaya ang pinag uusapan nila at parang hindi maipinta ang mukha ni mom?

"Hi! Mom. Hi! Chale" I shouted. Para kasing akward ang atmosphere and I don't like it.

"Hi anak! Naguusap lang kami ni Chale. Halika naihanda na ni yaya Linda ang hapunan"

MYSTERY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon