FIRST KISS!!!!

291 19 2
                                    

Nagising ako ng mga 10:30, kaya pala gutom na ko. I skipped a snack. Dalidali ko namang kinuha ang bag ko at pumunta sa cafeteria at bumili ng blueberry cheesecake at bubbletea. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking favorite spot. TENENEN!!! Sa ilalim ng puno ng mangga. Wala kasing masyadong tao dahil sa likuran ito ng building ng sophomore year..

Nagsimula na akong kumain ng cheesecake kaso may naririnig akong sumusitsit.

"Pssssst."

Napalinga-linga naman ako para hanapin kung sino yun kaso wala namang tao sa paligid.

"Psssst."

Hinayaan ko nalang at bumalik na ako sa pagkakaupo ko at sinimulan ko ng kumain ulit. Psh. Baka naman mga estudyanteng naligaw at walang magawa sa buhay. Hayaan na nga.

"Splaaaash"

Huhuhuhu! Yung bubbletea ko, natapon. Nauuhaw pa naman ako. Sayang naman yung 50 pesos.

Sino ba kasi yung nambato? Natapon tuloy yung inumin ko.

" Hoy bumaba ka diyan! Bakit ka nambabato diyan?! Ha?! " - sigaw ko

Galing kasi sa taas yung bato eh based sa observation ko. Kung sino man ang nambato walang hiya siya!

Tumilingala ako habang umaatras para mas makita ko kung may tao sa taas kaso may naapakan akong bato.

" Aaaaaaah!! "- ako

Parang nag slow mo lahat nasapaligid ko. No!!!

I suddenly felt an arm wrapped around my waist to prevent me from falling. Napapikit nalang ako.

" Ouch? " - ako

Pero bakit walang masakit? Ay oo nga pala may humawak sa beywang ko para hindi ako matumba.

Ayokong ibukas ang mata ko baka nasa langit nako.

Ayoko!! Pero sige na nga. Dahandahan. Imulat ang kaliwang mata. Imulat ang kanang mata. *blink* *blink*

Whaaa! Nasa langit Na nga ako! May anghel! Ay ang Gwapo! * stare* *stare*

Tinulungan na niya kong tumayo kaso yung kamay niya nasa beywang ko parin. Patuloy parin ako sa pagtitig sa kanya . Ang gwapo eh! Kung ganito lang kagwapo ang anghel hindi na ko bababa sa lupa.

Napatigil nalang ako sa pagde-daydream ng dahil isang pangyayari.

*tsup* bigla nalang siyang nawala

H-hi-hi-na-li-li-kan niya ko.

Panaginip lang yun! Walang nangyari!

Tiningnan ko ang paligid ko. Nandito parin ako. Yung puno ng mangga, yung chessecake, yung natapung bubble tea andito parin. Pero yung first kiss ko! Wala na!!

" Yung FIRST KISS KO!! "

Those are the last word I said then everything went black...

**InfinityGirls_06**
@gangstergirl_12
@fearless_03

MYSTERY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon