Hide and Seek

122 11 0
                                    

Thena's POV

"Here it is. Harendale Subdivision. Block 3 , Lot 5."

Nandito kami ngayon sa tapat ng isang bungalow na bahay. Maganda siya eventhough parang vintage ang design ng house. It's cool.

"Wala naman yatang tao dyan, Thena. Baka naman umalis." sabi ni kuya.

"Iho, ineng. Ano ang kailangan niyong dalawa?"tanong ng isang matandang babae na lumapit sa amin. Kanina pa niya siguro kami pinagmamasdan habang nakatingin sa bahay at naghihintay sa wala.

"Ah, ale. Nandyan ho ba ang may ari ng bahay na yan?" -ako sabay turo sa bahay."Carmel Sanchez po yung pangalan niya" dagdag ko pa.

"Si Mel? Naku iho,ineng. Matagal nang lumipat ng bahay yun. Ibinenta na nga niya yan eh. Pero ano ba ang kailangan niyo sa kanya?"

"Kailangan lang po namin siyang makausap tungkol isang napakaimportanteng bagay." this time,si kuya naman ang sumagot.

"Baka po bumalik siya rito pakisabi nalang po na hinahanap siya ni Zxryvelle Airathena Collins at Chale Hagan Aurick."sabi ko.

Paalis na sana kami ng Subdivision pero tinawag ulit kami ng matanda.

"May iniwan siya saking sulat at sabi pa niya ibigay ko daw ito sa dalawang taong maghahanap sa kanya na nagngangalang Airathena at Chale. Kayong dalawa na nga yun" sabi ng matanda at ini abot ang sulat kay kuya.

Nagpasalamat kami sa kanya at nagpaalam. Kailangan namin malaman kung saan siya nakatira. Hindi ko man alam kung bakit pero para na rin kay kuya.

Someone's POV

Hihintayin ko kayo mga bata.

Siguraduhin niyo lang na mahahanap niyo ako.

Kapag nangyari yun mapapatunayan ko na rin ang isang bagay.

Na ikaw nga ang dapat na magkamit ng napakahalang regalo na yan.

Until we meet AGAIN Airathena.....

Chale's POV

Nakalabas na kami ng Subdivision pero hindi parin namin nababasa ang sulat na binigay ng matanda.

"Thena, dito nalang muna kailangan nating mabasa ang sulat"

Tumango siya sakin at binuksan ko na ang sulat.

"Apoy,tubig,lupa at hangin,
Ang nagsisimbolo sa akin.
Kailangan niyo itong pagsama-samahin,
Upang makami ang inyong mithiin" nang matapos basahin ni kuya ay bigla kaming nagkatinginang dalawa.

Balak ba ng taong to na maglaro ng taguan? Una code tapos ngayon isang palaisipan? Wow, nagr-rhyme ah...

Btw, ano na naman kaya ang ibig sabihin nito?

Apoy, tubig,lupa at hangin........apat na simbolo na pinagsamasama.

"Life"i murmured." Yan ang apat na elementong dahilan kung bakit tayo nabubuhay."

Napabaling naman si kuya sa direksiyon ko.

"Eh,anong kinalaman ng buhay?"

"Life Regency. Isang pang lugar na kailangan nating puntahan. Malay natin ito na ang last"sabi ko.

****

Heto na naman kami sa labas ng Life Regency. Ayaw kaming papasukin ng guard dahil hindi raw kami nakatira doon.

"Manong kailangan talaga naming makapasok. May hinahanap po kasi kaming tao na nakatira po dyan."

"Ma'am, hindi nga po kami nagpapapasok ng kung sino sino lang sa loob--"

MYSTERY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon