ⓤⓝⓔⓓⓘⓣⓔⓓ
Thena's POV
'Quein...tama na' rinig kong sambit ni kuya sa isipan ko. Tss. Ang tigas talaga ng ulo ng isang yun. Sinabihan na ngang magpahinga. Gumagamit parin ng kapangyarihan niya.
Tumingin ako sa babaeng to at niluwagan ang pagkakasakal ko sakanya.
Maswerte siya at pinigilan ko ni Kuya, kung hindi, malamang patay na siya ngayon. Napangisi ako sa naisip ko. Kung hindi ko siya mapapatay, pwede naman sigurong pahirapan siya.
I surrounded her with my air ability. Ngayon, nasisigurado kong hindi na siya makakalabas pa dyan.
"H-heiress.....t-tulong" pautal utal niyang sambit. Kahit anong gawin niyang pagmamaka awa ay hindi ko siya mapapatawad. Yan ang bagay sayo. Ang magdusa! Yan ang nararapat sa mga traydor na kagaya mo.
Ngayon dahil mahina na siya ay wala parin silbi ang kapangyarihan niya. My power is dodging all her power. Hindi niya yun magagamit unless makalabas siya sa kapangyarihan ko.
'Patayin mo siya. Patayin mo sila....Thena. Patayin mo'
Napapikit ako ng mariin sa narinig ko. Bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko. Masama ang kutob ko sa bagay na ito.
"Aaaaaaaahhhhhh!" napa upo ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko to kayang labanan. Kahit na buo na ang kapangyarihan ko, hindi ko parin kaya.
"Ano ngayon Heiress, nararamdaman mo na ang kapangyarihan ko?" kahit matinding sakit ang nararamdaman ko ay pinilit kong harapin ang babaeng nagsalita.
"A-ai...aireen"
Hindi ako makagalaw. Anong nangyayari sakin? Bakit ako nagkakaganito?!
"Pasensya pero hindi ako si Aireen" bigla nalang nag iba ang itsura niya at nakita ko ang babaeng kinulong ko gamit ang air ability ko.
Paano nangyari yun? Kinulong ko na siya diba.
"aaaaahhh!!!" mas lalo pang tumitindi ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alintana ang sakit na yon at bumaling naman ako sa taong nakakulong.
"A...ai...aireen?"
Fuck! Nakita ko si Aireen na hinang hina na sa loob ng kapangyarihan ko. Kasalanan ko to. Ako ang gumawa nun sakanya. Kasalanan ko dahil nagpadalos dalos ako.
Hindi ito ang panahon para sisihin ko ang sarili ko. Kailangan kong maka isip ng paraan para makawala sa kapangyarihan ng babaeng ito.
"Ako nga pala si Keena." lumapit siya sakin at hinawakan ng marahas ang pisngi ko."Tsk...tsk...tsk... ganun lang pala kadaling lokohin ang Heiress. Hindi ka naman pala kasing lakas gaya ng iniisip ko." pinisil niya ang pisngi ko at tumawa saka tiningnan niya si Aireen.
"Calithea Aireen. Kawawang bata." umiling siya at tumingin ulit sakin." Kita mo nang ginawa mo? Naghihirap siya dahil sayo. Ikaw mismo ang papatay sa sarili mong Gardein. Ang saya diba?"
"AAAAHHH!! AAARRGGGGHHHH!"
OTOR'S POV
(makikisali si otor)
Malakas na napasigaw si Thena dahil sa matinding sakit na naramdaman niya. Dulot ito ng kapangyarihan ni Keena sa katawan niya.
"K-kuya" mahinang sambit ni Thena habang hinang hina na ito at nakaluhod sa sahig habang tinutukod ang kamay nito upang mabalanse ang katawan niya at hindi siya matumba.
"Akala mo ba ganun mo kadaling makukuha ang kapatid mo? Isa akong cloner kaya kayang kaya kong gumawa ng replica ng kuya mo." ngumiti ito ng malademonyo kay Thena habang tinitingnan ang nagdudusang dalaga.
BINABASA MO ANG
MYSTERY GUY
FantasyZrxyvelle Airathena Collins, isang babae na sikat sa kanilang school. Isang ordinaryong estudyanteng na nag aaral sa Nixon Academy pero paano kung may isang lalaking galing sa ibang dimension ang manghimasok sa buhay niya? Will she live her normal...