Someone's POV
Kailangan kong makaalis dito kahit anong paraan pero paano?
Wala na akong lakas para makagamit pa ng kapangyarihan ko at wala na rin akong mahihingan ng tulong.
Quein....nasaan kana ba?
Hoefon Kingdom needs you.....
Sorry Quein, Princess.......pangako ko hahanapin ko kayo kapag nakalaya na ako dito.
"Mahal na prinsipe, ayaw po talaga niyang sabihin kung saan ang kaharian nila"
"Umalis na kayo. Let me handle this."
Umalis na ang mga kawal na nagbabantay at siya naman ang lumapit sa akin.
"I never thought that you're so stubborn Priense. How about........"i looked at him intently. "Ok. Let's have a deal. You tell me where the Hoefon Kingdom is then i'll set you free"
Huh!!.....hindi ako katulad ng isang tao na dadaan sa isang lugar kahit alam kong may patibong.
"Hinding hindi ko sasabihin kung nasaan ang Hoefon Kingdom lalong lalo sa sa katulad mong demonyo."
Ngumiti lang siya sakin. Sa bawat ngiti niyang yan ipinapakita lang niya sa akin kung gaano siya kasama.
"Quein!! Tulungan mo'ko!!!!"
Thena's POV
"Quein!! Tulungan mo'ko!!!!"
Napabalikwas ako ng bangon. May malagkit na likido na nakapalibot sa mukha hanggang sa aking leeg. Alam kong pawis yun.
Tiningnan ko ang bedside table ko kung saan nakalagay ay alarm clock ko. 1:03 o'clock.
Sino naman kaya ang lalaking yun?
Mas mabuti pa siguro kung matulog nalang muna ulit ako at ipag pabukas nalang ang mga problema.
Chale's POV
"Chale kailangan mong bumalik sa Dimitri. Naghihinala na si Ama."
Alam kong boses yun ni master at ginagamit niya ang kanyang telepathy.
Kailangan kong makaisip ng excuse kay Thena. Alam ko kasi na tatanungin na naman ako ng babaeng yun kung saan ako pupunta.
Alangan naman na sabihin ko sakanya na sa Dimitri ako pupunta diba? Hindi naman maniniwala yun.
Tsk.......... Mahihirapan yata ako niyo.
Paano ako makakarating sa portal eh ang layo nun dito. Wala rin maman akong power na teleportation o paggawa ng portal patungo sa Dimitri.
Isa lang ang alam kong makakatulong sa akin. Alam kong dahil sa nangyari sa Dimitri ilang taon na ang nakakaraan maraming Dimitrians ang napunta sa mundo ng Ordin. Pero paano ko siya mahahanap? Hindi ko nga alam kung saan siya nakatira.
Bago pa man mangyari ang trahedya ay may binigay na siya sa akin na sulat. Isa rin siya ng guardian at ang master niya ay ang Hari ng Hoefon Kingdom.
" iF you will Look for mE, yoU must undeRstan-D this mEssage-
LISten!!!!
: if you have understood then you will know where I reside.
Yan ang nakasulat sa pagkakatanda ko pero hindi ko rin naman maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.
Nakarating na kami ni Thena ng classroom pero parang wala parin ako sa sarili ko.
"Kuya, okay ka lang ba? Parang kanina ka pa wala sa sarili mo."
BINABASA MO ANG
MYSTERY GUY
FantasíaZrxyvelle Airathena Collins, isang babae na sikat sa kanilang school. Isang ordinaryong estudyanteng na nag aaral sa Nixon Academy pero paano kung may isang lalaking galing sa ibang dimension ang manghimasok sa buhay niya? Will she live her normal...