Thena's POV
Kasalukuyan kaming nasa Centrium. Ito ang capital ng Dimitri ayon kay Aireen at Zeinon. Pinasuot nila ako ng cloak dahil mas makabubuti daw ito para sa akin. Mas gusto ko rin ito lalo pa't wala makaka kilala sakin. Malaya akong makakagalaw ayon sa kagustuhan ko.
"Iiwan ka muna namin dito sandali master. May kailangan lang kaming gawin ni Zeinon. Maaari ba?" Tumango ako bilang pahintulot. Hindi naman pwedeng nasa tabi ko lang sila buong gabi ng okasyon. Kailangan rin nilang magsarili.
Aalis na sana sila ngunit bumalik si Aireen at lumapit sa akin. Ngumiti muna siya bago nagsalita.
" Kailangan mo lang na hubarin ang cloak na yan pag nag salita na ang head na magsisimula na rays of blessing. Ngunit dun ka pumwesto sa maraming tao. Kung maari ay hindi ka dapat mapansin ng head."paalala niya sa akin.
"Pero 16 ako diba? Dapat magkaedad lang ang Gardein at ang master. So kailangan mo din ng rays of blessing."
."Ah...o-oo. Babalik din kami.."
"Ok.." sinunod ko lang sila ng tingin hanggang sa mawala na sila ng tuluyan. Kailangan kong maging handa. Hindi lang para sa mga kalaban kundi pati sa mga taong nasa paligid ko.
Aireen's POV
Ramdam ko parin ang mga titig ni Thena kahit na paalis na kami ni Zeinon sa lugar na iyon. Kahit ganon ay nakakaramdam parin ako ng kilabot. Alam kong malakas siya bilang si ay isang Heiress pero hindi pa sapat iyon para matalo niya ang mga kalaban niya.
"Kailangan mo nang makuha ang kapangyarihan niya sa madaling panahon. Alam ko at alam mo rin na nagdududa na siya. Kung gusto mong maging pinakamalakas na Dimitrian, ang pagkuha lang ng kapangyarihan ng Heiress ang solusyon."
"Kailangan nating maghintay Zeinon. Hindi makakatulong pagdadalos dalos. Mas magiging mahirap iyon. Isa pa, hindi pa buo ang kapangyarihan niya. Kailangan niya munang sumailalim sa rays of blessing"
Napabuntong hininga lamang si Zeinon sa mga sinabi ko. Kung ano man ang iniisip niyo tungkol sa amin ngayon ay maaaring tama kayo. Hindi kami mabuti, hindi na ako 16,hindi ako bulag at lalong lalo na, hindi ako ang totoong Gardein ni Thena.
Kung nagtataka kayo kung bakit nangyari ang bond gayong para lang ito sa totoong master at gardein ay isa lang sagot dyan. Hindi iyon bond. Sa pagkakataong iyon ay kinuha ko ang kaunting kapangyarihan ni Thena. At ang enerhiyang dumadaloy ay hindi nagpapalakas sa kanya kundi ang paghihina. Ngunit hindi niya iyon mararamdaman dahil konti lang iyon.
"Bumalik na tayo" sambit ni Zienon. "Baka magtaka pa ang Heiress".
"Heiress?"
Tiningnan ko si Zienon ng makahulugan. Kung may makarinig man nun ay siguradong delikado kaming dalawa. Lumapit siya sa isang gusali kung saan nang galing ang boses ngunit dismayado ako sa ipinakita niya. Isang parrot na nagsasalita. Sinasambit nito ng pauli ulit ang Heiress.
"Umalis na tayo dito."
Calithea's POV
"Lalalalalalalala..." pakanta kanta at patalon talon pa ako habang papunta sa Centrium. Rays of blessing kaya ngayon kaya pupunta ako dun. Ang ganda ganda pa naman ng suot ko ngayon. Nag g-glitters pa.
Habang patuloy ako sa paglalakad may narinig akong nag uusap kaya bigla naman akong napatigil. Nagtago muna ako at nakinig sa pinag uusapan nila. Dakilang tsismosa kaya to. Shh...wag maingay.
"Bumalik na tayo" sabi ng lalake. Hindi makita ang buo niyang mukha dahil masyadong madilim ang lugar na tinatayuan nila. Boses lang ang naging basehan ko upang malaman kung babae ba o lalake talaga ang nagsalita." Baka magtaka pa ang Heiress" dag dag pa nito.
BINABASA MO ANG
MYSTERY GUY
FantasyZrxyvelle Airathena Collins, isang babae na sikat sa kanilang school. Isang ordinaryong estudyanteng na nag aaral sa Nixon Academy pero paano kung may isang lalaking galing sa ibang dimension ang manghimasok sa buhay niya? Will she live her normal...