Her Vengeance

97 3 0
                                    

ⓤⓝⓔⓓⓘⓣⓔⓓ

Asahan niyo pong may mga typos at grammatical errors. I am sorry in advance.

Sa naghihintay ng next UD baka next next week pa.

Thena's POV

"Magsisimula ang ating pinakalalabing okasyon. Ang lahat ay inaanyayahan nang pumunta sa kanilang itinakdang lugar" yan lamang ang inanusyo ng head. Pagkarinig naman nun ay nagsitungo ang lahat sa lugar na kung saan ang iba pa ay naroon na rin.

Pumikit ako ng mariin. Kailangan ko silang mahanap at humabol sa okasyon. Hindi ko masasagawa ang plano ko kung wala sila. Hindi ko muna inisip ang iba pang mga bagay. May tamang panahon para sa mga yan, sabi ko sa sarili ko. Ang importante ay makuha ko ng buo ang kapangyarihan ko.

"Zienon, bantayan mo yan. Babalikan ko ang Heiress" ginamit ko ang kapangyarihan upang marinig ang mga bagay na kahit malayo sa akin ng ilang milya.

Nag visualize ako kung saang lugar sila maaaring naroon. Ginawa ko rin gabay ang ingay na kanilang ginagawa. Nakita ko na sila. Sa isang gusali. Nag isip muna ako ng mabuti at nag obserba sa paligid. Abot ng sinag ng buwan ang parte ng lugar na iyon. Hindi malabong matamaan ako ng rays of blessing. Kung ganon ay maari akong pumunta sa lugar na iyon.

Nag concetrate ulit ako ng mabuti. Ngayon ko lang to gagamitin kaya alam kong papalpak ako ng bongang bongga. Hays....Kung may power controlling book tutorial lang sana. Kaso yun nga ang problema eh. Wala.

Heto na. Huminga muna ako ng malalim bago ko gawin ang napakadelikadong kabaliwan na ito.

Paano nalang kung hindi ko makontrol at sa kalagitnaan ako ng ere? Edi. Falling gravity ang peg ko. Inhale....Exhale...Kaya mo yan Thena.

'Isa.........dalawa.......tatlo........tatlo......dalawa....isa!!' Bilang ko sa utak ko.

Poof!

Kinakabahan yata akong magmulat ng mata. Paano kung malaglag ako sa mataas na gusali? Paano kung.......paano kung.....sa ibang lugar ako napunta? Sa isang nakakatakot na lugar? Wag naman sana Juskupo!!!

Minulat ko muna ang kanang mata ko then ang kaliwa naman. Tiningnan ko ang paligid. Walang tao. Madilim. Nakakatakot. Ibig bang sabihin nito napunta ako sa ibang lugar? O isang kapalpakan ang nangyari?

Naghanap ako ng mga bagay na nakita ko kanina bago ako nagsagawa ng teleportation. Pareho nga. Tss. Lang kwenta.

Pumikit ulit ako at ngayon ay mas lalo pa akong nag concentrate. After a few seconds ay minulat ko ulit ang mga mata ko. Ganun parin. Walang pinagbago.

Inulit ko pa ng ilang beses pero hanggang ngayon ay hindi parin ako nakaka alis dito. Alam niyo yung feeling na naiinis ka na dahil palagi nalang palpak. Yeah! Ganun na ganun ang nararamdaman ko.

Last na talaga to. Okay. Ipikit ang mga mata at magconcentrate. Clear all your thoughts and think think of the place where you want to go.

Feeling ko lumilipad ako sa ere. Nakapikit parin ako at kinakabahan dahil baka palapak na naman.

Inipon ko muna lahat ng confidence ko at minulat ko na ang mata ko. Tumingin ako sa paligid at isa lang ang nararamdaman ko.

Lumilipad ako. I mean nasa ere ako at napakasamang balita yun.

"Uh! Oh!"

Babagsak ako!!!!

Hendrix's POV

"Chale?"tanong ko habang naka tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon." Nasaan si Thena? Bakit mo siya iniwan sa mundo ng mga ordin?" Hindi siya ligtas doon. Pero mas hindi siya ligtas dito.

MYSTERY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon