Thena's POV
Nasaan ako?
Napabangon ako sa pagkakahiga at bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko. Hinimas ko ito at bahagya namang nawala.
I looked at the place. Nasa isa akong kwarto pero hindi ko alam kung saang lugar ako specifically.
Hindi ko naman kasi alam kung papano ako napunta rito pero ang alam ko lang ay nasa CR ako nun.
Flashback....
Nagpaalam muna ako saglit sa kanila para pumunta sa CR . Ang awkward kasi ng atmosphere eh. Parang may gusto silang pagusapan pero hindi nila magawa dahil nandun ako.
Naglalakad ako ngayon papunta sa direksiyon na tinuro ng babae kanina. Hindi ko pa siya kilala pero kasi parang nakita ko na siya.
Pinihit ko ang doorknob at pumasok na nga ako sa loob. Pagtapak ko palang ay may naka agaw na kaagad ng atensiyon ko. Isang life sized mirror. Ordinaryo lang kung makikita ng iba pero alam kong may hindi tama. Bakit naman sila maglalagay ng isang life sized mirror sa Comfort Room. Ok pa sana kung sa kwarto diba?
Isinantabi ko nalang muna ang kakaibang pakiramdam ko at dumiretso na ako sa gripo upang maghilamos nang matandaan ko ang librong nakuha ko sa library.
Binuksan ko ang bag at kinuha ang libro. This time, I didn't just scanned the book but I read it.
Sa unang limang page ay puro litrato ng parang castle pero iba iba ang disenyo sa unang litrato ay may nakasulat sa ibaba na Halens Kingdom. Habang sa susunod naman ay ang Gaterns, Celare, Hoefon and the Roshcov.
Then the sixth page.
Dimitri's Royale Kingdoms
Dimitri is consist of five main Kingdoms. The Halens, Gaterns, Celare, Roshcov and the most superior of all, the Hoefon.
This five kingdom rules the Dimitri. Halens in the south. Gaterns in West. Celare in the East. Roshcov in the north and Hoefon at the center.
Hindi ko pa natatapos ang pagbabasa ay may napansin akong sulat sa bandang ibaba ng libro. Hindi ito kasama sa libro kundi isa itong sulat kamay ng tao.
Evoir Quetir Sciché Kuvar Enim (A/N:pasensya na po gawa gawa lang ni author yan)
I read each word out loud then parang may sinag na tumama sa mata ko. Galing ito sa salamin.
Lumapit ako habang dala parin ang libro sa isa ko pang kamay. Hinawakan ang mismong glass nito ng nagulat nalang ako ng biglang lumusot ang kamay ko. Kukunin so sana ito pabalik pero may naramdaman nalang akong parang may malakas na enerhiyang humuhugot sa akin papasok.
END OF FLASHBACK....
Nagising nalang ako na nakahiga na rito. Ni hindi ko nga alam kung sino ang nag dala sa akin dito.
"Gising ka na pala"sabi ng isang boses.
Napabaling ang tingin ko sa pintuan kung saan nakatayo ang isang binatilyong lalaki. I guess isang taon lang ang tanda nito sakin. Magkaedad lang sila ni Kuya Chale.
"Ah...oo. Nasaan nga pala ako? At sino ka?"
"Ako si Zienon. Ang ama ko ang nagdala sayo dito. Nakita ka niyang mag isa sa gubat at walang malay.Nandito ka ngayon sa bahay namin." pagpapaliwanag niya.
Ngumiti ako sa kanya."Salamat sa pagpapatuloy sakin dito pero kailangan ko nang umalis."
Itinabi ko ang kumot na nasa katawan ko at akma na sanang tatayo pero bago ko pa magawa yun ay nandito na siya sa harapan ko at nakahawak sa kamay ko. Pinipigilan niya ito.
"Hindi ka pa lubusang magaling kaya hindi ka pa pwedeng umalis."
"P-paano ka n-n-napunta rito? Diba d-dun k-ka k-ka-kanina?" pautal utal kong tanong habang tinuturo ang pwesto kung nasaan siya kanina.
Tiningnan lang niya ako ng diretso sa mata."Hindi mo ba alam? Tama nga si ama. Isa kang Ordin. Paano ka nakapunta dito sa Dimitri?!" tanong niya pero may bakas ng pagkagalit ang mukha niya.
"Aray! Ano ba! Bitawan mo nga ako. Hindi ko alam kung anong Ordin ang pinagsasabi. Aray! Nasasaktan ako!"
Kahit na anong sabihin ko ay hindi niya ito pinakinggan bagkus ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko.
"Sabi nang bitawan mo ko eh!! TAMA NA!!!!"napapikit ako habang nakasigaw.
I felt that my hands were free from his grip. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siyang nakadikit sa isang pader at bakas sa mukha nito ang sakit.
Halos nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mismong pader na likuran ni Zienon. It's full of cracks all over. Even the ceilings was slighty damaged.
Sinong gumawa nun? Wag niyong sabihing ako dahil wala akong alam sa nangyari. Sumigaw lang naman ako ng tama na diba??
Wala akong kasalanan. Pramis poh!!!! Huhuhuhu...T_T!!
In a split seconds nasa harapan ko na siya ulit. O_o??? Paano nanaman siya nakapunta rito?
"Lumayo ka sakin. Demonyo kang lalaki ka!!Whaaaa!!"imiisod ako papunta sa pinakadulo ng kama habang nag s-sign of the cross.
"Hahaha. Anong akala mo sakin, demonyo? May powers lang ako pero hindi ako demonyo."sabi niya na medyo natatawa parin.
Abah! Anong nakakatawa sa sinabi ko? Wala naman diba? Baliw siguro 'tong lalaking to.
"Nga pala"napatigil siya sa paglalakad palabas at humarap sa akin."Malakas ka nga at ikaw nga talaga ang bagay maging Heiress."
Heiress na naman? Saan ko nga ba narinig yun--ah...sa isang matanda.
Matanda.
Ang tanga mo Thena para hindi mapansin yun. Tsk. Yung matandang nag sabi sa akin ng Heiress at yung matandang nagbigay sa amin nang sulat sa Harendale Subdivision ay iisa. Maybe I am too occupied sa mission namin ni Kuya.
"Oh,wait! May isa pa akong nakalimutan. Pasensya ka na wala kasi dito si Ina kaya ako muna ang nagpalit ng damit mo"he said while smirking and continued walking towards the door.
What did he just say?? Parang nabingi yata ako run. Napatingin naman ako kaagad sa suot kong damit. Hindi na nga ako naka uniform. Suot ko ngayon ang isang white dress. Kasya naman siya sa akin pero, whaaaaaa! Siya ang palit ng damit ko ibig sabihin, nakita niya ang--- Whaaaa!! Walangya siya.
He changed my clothes so he saw me dressed only with undergarments??
>///////////////
BINABASA MO ANG
MYSTERY GUY
FantasyZrxyvelle Airathena Collins, isang babae na sikat sa kanilang school. Isang ordinaryong estudyanteng na nag aaral sa Nixon Academy pero paano kung may isang lalaking galing sa ibang dimension ang manghimasok sa buhay niya? Will she live her normal...