GARDEINS

225 21 0
                                    

*** school..

Nandito na ko sa school ngayon ang aga pa nga eh. 6:12 palang kasi dito sa watch ko, eh 8:30 pa ang first subject ko. Maka pamasyal na nga lang muna. Kokonti pa nga yung mga estudyante dito...

.........

Nandito ako sa gym ngayon. Ewan ko ba kung bakit dito ako napunta. Parang dinala lang kasi ako ng mga paa ko.

Umupo muna ako sa mga bench. Wala namang tao kaya ok lang. Meron pa kong less than 2 hours para matulog. Keri ko to!!! Pag ka 8: 00 kasi nagpapractice ang mga varsity players dito. Mga mababait naman sila. Halos mga kaclose ko na nga sila eh.

Hay.....makatulog na nga lang muna....

.........

Chale's POV:

Hi!! Mga madlang pipz!!!! Chale Hagan Aurick is the name. Isang gwapong nilalang na nanggaling sa Dimitri. (A/N: Ang Dimitri po ay ang dimension na pinanggalingan ng main character sa story na ito.)

Shhhhhhhhhhh....Nandito ako ngayon at sinusundan ang babaeng to. Hoy! Wag kayong mag isip ng iba dyan ha! Inutusan lang ako ni someone. Sinong someone? Chikret muna!!!! Ayaw pa sabihin ni author eh. Surprise daw!!!

Hay.... Kanina pa palakad lakad tong babaeng to, kung saan saan na nga to nakarating eh. Sa wakas tumigil din sya sa gym, akala ko hindi na to titigil eh.

Tinatanaw ko lang siya hanggang tumigil siya sa isang bench at tsaka umupo, hindi nagtagal eh humiga siya. Abnoy talaga tong babaeng to humiga ba naman sa bench. Anong akala niya sa bench? Kama niya? Psh.

"Nasaan ba kasi yung lalaking yun? Sakin nya pa pinabantayan eh hindi naman ako babysitter."- ako

Hay...hindi ko na mapigilang mapakamot ng ulo...

"Aray!!!"- ako

Oh! Ayan! Nandito na si someone....bow....Alam niyo naman siguro kung anong ginawa niya diba? Walang iba kundi binatukan ako. Hindi ko naman magantihan kasi isa lang akong Gardein. Asan ang hustisya?!!

Kaming mga Gardeins ay mga guardians. Bawat isa sa amin ay may dalawang kapangyarihan. Katulad ko, ang taglay kong kapangyarihan ay ang telepathy at time- controlling. Bawat isa sa amin ay may katumbas na Eligeres na kailangan naming panatilihing safe at kahit anong nangyari kailangan namin silang protektahan kahit kailangan pa naming ibuwis ang buhay namin.

Ang Eligeres naman ay mas mataas kesa sa katulad naming guardians. Sila rin ang nagtataglay ng apat na elemento ang apoy, tubig, hangin, at ang lupa.

Pero katulad naming mga taga Dimitri, kapag lumalabas kami sa portal papunta sa mortal world, may isang bagay sa amin na kinukuha ang portal. Babalik lang ito kapag pumasok ka ulit.

Kasi ang nakuha sa akin ay ang telepathy at kay master naman ay ang kanyang katawang tao. Pero ang kapangyarihan nya hindi yan nawawala. Hindi lang siya nakikita ng pangkaraniwang tao.

"Oh! Nandito ka naman pala. Pwede ko nabang puntahan si Claireen?"- ako

(A/N: Si Claireen po yun crush ni Chale.)

Author naman ihhh!!! Bakit mo sinabi?!! Secret eh!

(A/N: Eh bakit ? Alm ko ba?!!)

Hindi......

" Kailangan mo muna syang bantayan dahil marami pa akong kailangang gawin sa Dimitri. Kailangan kong bumalik don dahil baka mahalata pa ako ni ama. Mas makakabuti kung magiging kaibigan mo sya dahil mas madali mo siyang mababantayan."- master

Hay..... Ano pa bang magagawa ko?

**Pak**

Huhuhu! Kailan ko makakamit ang hustisya?! Lord wala manan po akong ginagawang masama. Bakit niyo po ako pinaparusahan ng ganito?

*Pak*

" Oo na. Hindi ako mag rereklamo."- ako

"Nababasa ko, ang isip mo."- master

Okay. Brain! Stop complaining. Mouth! Zipper.

"Tsk. Aalis na ko."- siya

At poof! Wala na siya. Phew! Makahinga na rin ako ng maluwag. Bakit kasi siya pa ang Aquil?

"AY ANG GWAPO KO TALAGA!"

(A/N:Kahit na nagugulat. Lumalabas parin ang pagiging conceited ni Chale.)

Ansama mo talaga author!!!

Okay back to the story. Hayaan niyo na si author epal eh!!

"Bakit ka pa bumalik?!"- ako

"Bantayan mo sya ng maigi kung ayaw mong sunugin kita! Tandaan mo yan."- master

"Opo."- ako

At wala na naman siya.

So ayun lumapit na ako sa kanya. Hindi pa ba to gigising?

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Hmmm...makinis, maputi, matangos ang ilong at reddish lips. Hindi ko na kailangan pang alamin kung bakit to nagustuhan ni master.

*blink*

*blink*

"Whaaaaaaaaaaaahhhhh!!!"

***********

Lumabas na si Chale!!May story rin po siya na Mystery Guy's Apprentice. Side story po siya ng Mystery Guy. I'll start writing as long as matapos po tong story na to.

Update for today. Sana po magustugan niyo. Sorry po kung hindi ko maabot ang expectation niyo na magiging maganda tong story ko because this is my first work.

Vote! Comment and be a fan!!

Kung may question kayo, free to message me.

**InfinityGirls_06**
@gangstergirl_12
@fearless_03

MYSTERY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon