Chapter 7

1.3K 56 5
                                    

"May gusto ba siya sa akin?" Gulat na tanong ko sa sarili!

Hindi na ulit sasakupin ng espanol ang pilipinas?!

Ang ibig nya ba'ng sabihin doon ay may gusto siya sa akin dati dahil sakop ng espanol ang pilipinas? Pero paano? Saan? Kailan pa? Mag kakilala ba kami dati? Ngayon ko lang siya na meet.

Ginulo ko ang buhok! Buong mag damag ko'ng inisip ‘yung sinabi niya!

Kaya naman heto, Bangag na bangag ang itsura ko habang nag lalakad papasok sa Campus. At oo nga pala, may pamasahe na ako. Kinapalan ko na ang mukha. Nangutang ako kay Pacco ng pera pang puhunan sa paninda. Babayaran ko naman. Hindi nga lang ngayon. Siguro baka next next year o kaya naman pag puti ng uwak.

"Hoy, tatlong bibe!" Sigaw ko!

Huminto naman sila sa pag lalakad.

"Goodmorning, Casse!" Masayang bati ni Kiko. 

Lumapit ako sa kaniya at pinag hahampas siya sa balikat. "Pinag titripan nyo pa ako'ng tatlo, ha! Mali-mali datails na binigay nyo sa akin—Lalo ka na!"

"Buko na tayo. Panalo ako sa pustaha," Sabat ni Jerome.

"Next day ko na lang bigay panalo mo. Wala na ako'ng pera rito. Pamasahe lang." Si Daniel.

"Mga bibe kayo! Pinag titripan nyo pa ako!"

"Sorry na," Panunuyo pa nila. "Lakad ka na namin kay Saske para hindi ka na magalit."

"Sure ba ‘yan?" Biglang ngiting tanong ko.

"Oo naman! Ikaw ba pa.. Team Casse kami kahit anong mangyari! Sa ‘yo ang boto namin!" Inakbayan ako ni Daniel.

"Maraming nag kaka-gusto kay Saske pero hindi niya type. Ikaw pa lang ang babaeng na kita namin may determinasyon na lapitan ang Introvert naming kaibigan." Kinuha ni Kiko ang dala ko'ng plastik ng paninda.

"Baka Casse ‘yan!" Pang chi-cheer pa ni Jerome.

Hinatid nila ako'ng tatlo papunta sa room. Umalis rin sila agad kasi wala pa si Saske. Ako rin na lungkot dahil wala pa so Babe. Nakakasira ng umaha. Feeling ko wala nh direksyon ang buhay ko.

"Ang aga-aga wala na aga ako sa mood."

"Ano na naman, Anakonda?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Lipat ka na lang ng iba'ng course, Cassendi. Masaya ito'ng section nating kung wala ka."

"Ano ka balbon? Ikaw lumipat, ikaw naka-isip," Sarkastiko'ng sagot ko sa kaniya.

Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase namin. Happy pill talaga nila ako. Minsan nga, kapag galit ako, tatawa sila'ng lahat. Grabehan. Mukha ba ako'ng clown? Sa ganda ko'ng ito, Natatawa sila? Nice.

"Papansin ka talaga, ano?" Nang gagalaiting aniya. "Pati si Saske nilalandi mo!"

"Wow, coming from you na ng landi sa may ka-relasyon! Crush mo si Saske? Oh, sige... Titigilan ko ang crush mo kapag na sagot mo ito!"

"Oh?" Nang hahamong aniya.

"Ilan butas ng skyflakes? Sige nga!"

"Hmm.." nag-isip siya. "Twenty- four?"

"Tignan mo ang arte mo pa mag salita. Tanga-tanga ka talaga. Pipti por!"

"Nakakainis ka, Cassendi! Sana hindi ka na lang inire ng nanay mo!"

"Oh, inutil! Cesarian si mama!"

Masama nya ako'ng tiningnan bago tumakbo palabas ng room. Sumunod pa ang mga alipores niya. Naki-sabay ako sa tawanan ng buong klase.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon