Chapter 19

1.2K 53 71
                                    

"Huy!"

"Ah, ano?" Kinakabang tanong ko kay Sunny.

"Ito na ‘yung—"

"Babayaran ko na lang mamaya ‘yang in-order mo. Ibigay mo sa iba nating kaklase. M-may kailangan lang ako'ng puntahan!"

"Huh? Saan?"

Bago pa tuluyang makalapit sa table namin si Saske, tumakbo na ako palabas ng cafeteria! Jusko! Ano'ng kaganapan ang nangyayari ngayong araw?

Dumiretso ako sa room para kuhanin ang catinco sa bag. Ito ang pampakalma ko kapag ninenerbyos. Ilang beses akong huminga ng malalim.

Kalma ka lang, Casse.

Hinilot ko ang sintido at pumihit paharap sa pintuan ng classroom.

"Ano na naman?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko kay Saske.

Naka-sandal siya sa blackboard. Sinundan talaga ako!

"Nabasa mo na?" Ngiting-ngiting tanong niya.

"Huh? Ang alin?" Maang-maangan na tanong ko.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Pilit niyang hinuhuli ang mata ko!

"A-ah." Tumawa ko. "G-ganda ng epilogue."

"Hmm, i know. I mean, ‘yung sa ending."

"Uu." Itinago ko sa bulsa ng pantalon ang kamay kong nanginginig. "Gusto ko ‘yung ending. Bakit... Bakit may 07 doon? W-wala ka namang characters na ganoon ang pangalan—"

"I like you," putol niya sa sinabi ko. "Oo, gusto kita."

Gulat ako'ng tumungin sa kaniya! Hindi ko kinakaya ang bibig ng lalaking ito.

"Ang hiningi ko sa ‘yo ay magandang epilogue pero bakit i like you yung binalik mo sa akin?"

"Gusto mo ba'ng i-drop name ko pa?" Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nag umpisang pumindot  doon!

"Loko! Ano! Huwag! Kapag ako na bash!" Inagaw ko sa kaniya ang cellphone.

"What now?"

"Hindi mo na iintindihan," iling-iling na sambit ko.

"Anong hindi? Malinaw nga, Casse. I like you. Gusto kita. Masama—"

Naputol ng pag tili ko ang pag sasalita niy! Dinuro ko sya habang hindi ma-ipinta ang mukha!

"N-naiintindihan ko na gusto mo na ako ngayon kasi sino ba naman ang hindi mag kaka-gusto sa akin, ‘di ba?" Sambit ko. He nodded. "Bakit ka kasi umamin agad?! Hindi mo ba kayang i-keep yang feelings mo?"

"Kung kaya ko namang itago, hindi ko sasabihin sa ‘yo."

"Potacca! Wala na! Wala ng thrill! Hindi na kita crush!"

"Ang gulo mo, Cassendi."

"Ikaw ang magulo!"

Sasagot sana siya nang biglang dumating ang mga kaklase namin. Kung dati tuwang-tuwa ako kapag inaasar nila kami gamit ang mga tingin, ngayon hindi na! Taena! Yawa! Hindi ako natutuwa! Gulat na gulat ang buong pag katao ko dahil sa sinabi ni Saske.

‘Yung ex ko at si Saske pa lang ang nag confess sa mismong harapan ko! The rest, puro sa internet! Oo, Malandi ako pero kapag nilandi na ako pabalik, nahihiya ako na ewan. Gusto ko ako lang yung mang lalandi at huwag na silang maki-pag cooperate diyan mga hindot!

At talaga naman! Kapag minamalas! Nawal sa isip ko na ka-grupo ko nga pala si Saske sa isang subject!

"Dito ka sa tabi ko," kalmadong aniya na pinagpag pa ang bakanteng upuan sa tabi.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon