Chapter 38

1.4K 56 24
                                    

Mahalagang alagaan mo ang sarili sa mga panahong walang nariyan para sa ‘yo. Okay lang na mag failed ka sa isang bagay pero sisiguraduhin mo na may tututunan ka sa pagkakamaling iyon.  At ayon ang buhay. Habang tumatanda ka, ang importante na lang sa ‘yo ay ang kapakanan niyong dalawa ng anak mo. Wala ka nang pakialam sa opinyon ng mga taong na sa paligid.

Kung susuportahan ka nila, go. Support them back. If not, okay. That's wine. Hindi ko naman kailangan sa buhay ang taong basura ang tingin sa akin.

Hindi nila alam kung anong dinanas ko ng mga panahon na iyon kaya wala silang karapatan kwestyunin ang karanasan.

Ilagay ko sila sa kalagayan ko pag tapos ay gawin ko ang ginagawa nila sa akin... Anong mararamdaman nila?

Mga hipokritang ito. Sarap sampalin kaliwa't kanan walang tigil.

Mga asong tahol nang tahol. Kulang sa pansin at mga aruga.

"Anong sabi ko, Steffa?"

"I'm sorry, Mama... He teased me first."

"Oh, what did you do?"

"Sinuntok at hinampas ko ng lunch box," nakayukong aniya.

"Anak nga talaga kita! Dapat sinipa mo! Akong bahala sa nanay! Huwag kang mag papaapi lalo na sa mga lalaki! Walang ambag sa buhay mo ang mga iyon!"

Kumunot ang noo niya. "I don't want to fight again, Mama. Masama raw po sabi ni Tita Moni—"

"Ay, Naku! Wag ka makikinig sa Tita mo. Sobrang santo no'n. Inaaway na't lahat-lahat, kalmado pa rin."

"I love her."

"Tss. Edi siya na nanay mo. Sige na. Baka itapon kita sa basurahan. Go to your room ang change your clothes"

"Yes. Ah, Ma... I want burger steak."

"Okay." Ngumiti ko. "Ang high-maintenance ng anak ko. Kasalanan mo talaga ito Monique."

Sumasakit ang ulo ko kay Steffa. Ilang beses na akong pinatatawag ni Pacco dahil palagi siyang nakikipag-away. Kapag naman tinatanong ko ang dahilam, hindi sila sumasagot ng kaaway niya. Naku talaga. Sana hindi manahin ni Steffa ang pagiging sinungaling ko.

Punyemas. Oo.

"Are you okay?" Tinanggal ko ang ilang butil ng kanin sa bibig niya.

"I'm fine, Mama. Why are you always checking me?"

Kasi gusto ko maging maayos ka.

"Nothing. Eat. Uuwi na mga Tita's mo."

"Really? I want to see Tita Dahlia! She's so pretty, mama!"

"How about me?"

"Stunning."

"Tss. Ano kailangan mo at nag lalambing ka?"

"I want... I want you always by my side. Don't leave me like what papa did."

"Oh." Ngumuso ako. "Hindi ako aalis, Anak. Promise. Pinky Swear."

Hindi ko tinuloy ang suicede attempt. Kapag naaalala ko ‘yon, gusto ko na lang saktan ang sarili ko, eh. Kainis. Bakit ko ba na isip na mag ganoon? Punyawa, Cassendi Jeremiah.

Si Monique ang nag alaga sa amin ni Steffa. Siya ang tumulong sa akin sa lahat. Dinadalaw ako ni Chef Montini sa kanila paminsan-minsan. Si Pacco Teacher ni Steffa kaya naman nakikita ko ang sakristan na iyon kapag sinusundo ko si Steffa.

"Steffa, Apo!"

"Lola!"

Lumingon ako sa may pintuan. Nakita kong papasok si mama bitbit ang malalaking laruan para sa anak ko. Last year bumalik siya. Hindi ko dapat siya papansin pero nag pakilala na agad siya kay Steffa. Para walang away, tinanggap ko siya bilang lola ng anak ko pero hindi bilang mama ko.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon